top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Nawala sa showbiz… RR ENRIQUEZ, NABUHAY DAHIL SA PAGTITINDA NG KAPE

BULGAR
May 1, 2021
1 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 1, 2021




Matagal na rin kaming walang balita kay RR Enriquez na unang sumikat bilang dancer-host sa game show ni Willie Revillame na Wowowee.


Kaya nang ma-interview namin ito kamakailan, natuwa kami sa ibinalita niyang success story niya, dahil kahit nawala man siya sa showbiz, naging successful naman ang buhay niya bilang businesswoman.


Una siyang nagtayo ng spa, pero dahil nagkaroon ng pandemic at pansamantalang isinara ang mga ganitong negosyo, naisipan niyang magtayo ng ibang business at ito nga ang bumuhay sa kanilang pamilya nitong pandemic — ang Cryolipo Coffee.


Sobrang happy si RR na nag-one year na ang business nila ng kapatid na kasosyo sa Cryolipo Coffee na si Melissa, isa ring sikat na vlogger.


At kuwento nga ni RR, hindi lang dito sa 'Pinas mabenta ang kanilang kape kundi nagdi-distribute at may mga resellers na rin sila hanggang sa ibang bansa.


Maraming natutunan si RR sa pagiging businesswoman. May mga naging pagkakamali rin daw siya, pero dahil dito, natuto nga siya at mas naging wiser na ngayon.


Walang physical store ang Cryolipo Coffee nina RR at Melissa pero thankful sila na kahit online lang ito ay mabentang-mabenta at parami nga nang parami ang kanilang mga resellers and distributors nationwide.


Kaya payo niya sa mga nawalan ng trabaho ngayong pandemya, 'wag mawalan ng pag-asa, diskarte lang at tuloy ang buhay, dahil tulad niya na napakasipag, ayan at natagpuan niya ang suwerte sa Cryolipo Coffee.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page