top of page

Nauna pang may nag-resign sa ICI kesa may naipakulong na politicians na sangkot sa flood control scandal

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | December 5, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez


SABI NI PBBM BAGO MAG-PASKO MAY MAKUKULONG NA POLITICIANS NA SANGKOT SA FLOOD CONTROL PROJECTS, PERO ANG NANGYARI NGAYONG DECEMBER NAUNA PANG MAY NAG-RESIGN SA ICI KAYSA MAY NAIPAKULONG NA PULITIKO -- Nag-resign na si former Dept. of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Rogelio Singson bilang isa sa miyembro ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na itinatag ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) para mag-imbestiga at magrekomenda ng kaso sa mga sangkot sa flood control projects scam, at ang kanyang (Singson) resignation ay epektibo sa Dec. 15, 2025.


Aba teka, malinaw naman ang sabi ni PBBM na bago mag-Pasko ay may mga politician na sangkot sa flood control projects scam ang makukulong, pero iba ang nangyari, kasi ngayong Disyembre 2025 ay mas may nauna pang mag-resign sa ICI kaysa may pulitikong naipakulong, boom!


XXX


PAG-TOP NINA VP SARA AT SEN. BONG GO SA 2028 PRESIDENTIAL AT VP ELECTION, PATUNAY NA HINDI NANINIWALA ANG MAJORITY PINOY SA MGA ALEGASYON SA KANILA NG MGA ANTI-DUTERTE -- Sa latest survey ng WR Numero Research firm ay nananatiling top si Vice Pres. Sara Duterte-Carpio sa pagka-presidente at Sen. Bong Go sa pagka-bise presidente.


Ibig sabihin niyan ay hindi naniniwala ang mayoryang Pinoy sa mga samu’t saring alegasyon na ipinupukol ng mga anti-Duterte kina VP Sara at Sen. Bong Go, period! 


XXX


SAKALING MAGTAGUMPAY ANG IMPEACHMENT KAY VP SARA, TIYAK SI SEN. BONG GO ANG PANLABAN NI FPRRD SA 2028 PRESIDENTIAL ELECTION -- Ang inanunsyo ni Bayan Muna Chairman Teddy Casino na magpa-file sila ng impeachment complaint sa Feb. 2026 laban kay VP Sara ay malinaw na aksyon nila para hadlangan na makalahok sa 2028 presidential election ang anak ni former Pres. Rodrigo Roa Duterte (FPRRD) kasi nga naman nakikita sa social media na napakarami pa rin ng mga nakasuporta sa pamilya Duterte.


Kung sakaling magtagumpay ang impeachment kay VP Sara, mali ang akala ng mga anti-Duterte na wala nang panlaban si FPRRD sa 2028 election, dahil may pamato pa siya at ito ay ang itinuring din niyang anak na si Sen. Bong Go, period!


XXX


AYAW PUMASOK SA PULITIKA NG BILYONARYO NA SI RAMON S. ANG, PERO MAY ILAN NA PUMASOK PA RIN, KAYA ANG TANONG: ANO’NG BALAK NG IBA NA MGA BILYONARYO NA NAGSIPAG-PULITIKO PA? -- Tinanggihan ng bilyonaryong negosyanteng si Ramon S. Ang (RSA) ang mungkahi ng ilang sektor na pamunuan niya ang bansa kapag parehong napatalsik sa puwesto sina PBBM at VP Sara na kapwa naiisyuhan ng corruption. Ayon sa kanya (Ramon S. Ang) kahit kailan hindi pumasok sa kanyang isipan na pumasok sa pulitika.


May punto si RSA na ayawan ang pagpasok sa pulitika kasi nga naman bilyonaryo na siya at matagumpay naman siyang negosyante, na baka nga naman madungisan pa ang kanyang pangalan na may intereres siya sa kaban ng bayan kapag tinanggap niya ang alok na pamunuan ang bansa.


Kamakailan lang ay nailantad sa publiko ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng mga pulitiko, may ilan sa kanila ang napag-alamang mga bilyonaryo, kaya’t ang tanong: Bakit mga bilyonaryo na sila ay nagsipag-pulitiko pa? Ano balak? Boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page