ni Beth Gelena @Bulgary | January 15, 2024
Ang dami namang girls na inili-link kay Daniel Padilla matapos ang breakup nila ni Kathryn Bernardo.
Nu'ng una, sina Andrea Brillantes at Gillian Vicencio ang mga itinuturong naka-secret affair diumano ni Daniel habang karelasyon pa nito si Kathryn.
Tapos, nu'ng in-unfollow ni Kathryn sina Julia Barretto, Liza Soberano at Gillian Vicencio sa IG, pinaghinalaan din silang pinagselosan diumano ni Kathryn.
At maging ang misis nga ni Patrick Sugui na parehong kaibigan nina Kathryn at Daniel ay pinaghinalaan ding may 'secret affair' diumano kay DJ.
Pero ang pinakahuling pinagpipiyestahan ngayon ay ang pagkaka-link ni Kaye Abad sa ex-BF ni Kathryn Bernardo.
May naging blind item kasi noon tungkol sa aktor na tinawag na 'Disco' at girl na may initial na "KA" na diumano ay nag-check-in sa isang hotel.
Sinundan pa umano ng ina ni Disco ang anak sa hotel at nag-demand sa reception na palabasin ang anak na kasama diumano si KA that time. Pero dahil may protocol ang hotel na may privacy ang kanilang mga guests, hindi nangyari ang kagustuhan ng madir ni Disco.
May mga netizens ang nanghula na ang KA na tinutukoy sa blind item ay si Kaye Abad.
At may naglabas pa nga ng picture nila ni Daniel na magkasama.
Nakarating na rin pala kay Kaye ang isyung ito na inili-link siya kay Daniel kaya sa kanyang Instagram Story, ipinost niya ang picture ng dalawang babae na nagkukuwentuhan na mukhang mga Marites at nag-comment lang si Kaye ng 3 laughing emojis.
In short, idinaan na lang ni Kaye sa tawa ang pang-iintriga sa kanya at kay Daniel dahil happily married na nga naman siya kay Paul Jake Castillo at hindi na dapat patulan pa ang mga ganitong usapin.
Comentarios