Nasaktang asawa lang ang may karapatang maghain ng adultery
- BULGAR

- 6 hours ago
- 2 min read
ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | June 3, 2026

Dear Chief Acosta,
Maaari bang ipagkatiwala ko sa kinatawan ko ang paghahain ng kasong Adultery laban sa asawa ko at sa kanyang kabit? — Dylan
Dear Dylan,
Una sa lahat, itinuturing na nagkasala sa krimeng Adultery kung ang babaeng may asawa ay nakipagtalik sa ibang lalaki na hindi niya asawa. Sa parte ng nasabing lalaki, kailangan ay alam niya na ang babae ay kasal na para mapanagot siya sa batas.
Kaugnay nito, sa kasong Aurel Ann Chua-Chiba vs. Jin Chiba and Michael Llona, G.R. No. 277020, 19 Mayo 2025, sa panulat ni Hon. Associate Justice Antonio T. Kho, Jr., tinalakay ng ating Korte Suprema ang mga sumusunod:
“Rule 110, Section 5 of the Revised Rules of Criminal Procedure provides:
Section 5. Who must prosecute criminal actions. —
The crimes of adultery and concubinage shall not be prosecuted except upon a complaint filed by the offended spouse. The offended party cannot institute criminal prosecution without including the guilty parties, if both are alive, nor, in any case, if the offended party has consented to the offense or pardoned the offenders.
Consequently, it has been held that ‘[w]hen it is said that the requirement in Article 344 (that there shall be a complaint of the offended party) is jurisdictional, what is meant is that it is the complaint which confers jurisdiction on the court to try the case. The court’s jurisdiction is vested in it by the Judiciary Law.”
Alinsunod dito, ang Adultery, bilang isang pribadong pagkakasala, ay hindi maaaring usigin maliban sa isang reklamong inihain ng nasaktang asawa at hindi makakapagpasimula ng kriminal na pag-uusig nang hindi kasama ang parehong mga nagkasalang partido, kung sila ay parehong buhay, o sa anumang kaso, kung siya ay pumayag o nagpapatawad sa mga nagkasala.
Kaya, kinakailangang ikaw mismo ang maghain ng reklamo laban sa iyong asawa at sa kanyang kalaguyo. Kung ihahain ang reklamo ng kinatawan lamang, maaaring ma-dismiss ang kasong Adultery.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.





Comments