top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

Nanood, nag-share ng video ng Ateneo shooting, iimbestigahan — NBI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 minutes ago
  • 1 min read

by Jeff Tumbado @News | August 26, 2026



Atty. Melvin Matibag - NBI

Photo: File / LTO



Iimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga indibidwal na umano’y nanood, kumuha ng video at nagbahagi sa social media ng footage kaugnay ng shooting incident sa Ateneo de Zamboanga University (ADZU) kamakailan.


Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, bahagi ng isasagawang imbestigasyon ang pagtukoy sa mga taong nag-record at nagpakalat ng mga video ng insidente.


Tinitingnan din ng mga awtoridad kung may paglabag sa batas o iba pang posibleng pananagutan ang mga sangkot sa pagbabahagi ng naturang mga materyal.


Samantala, tinukoy na rin ng NBI ang isang grupo ng ‘groomers’ ng mga menor-de-edad sa social media.


Sinabi ni Matibag na napasok nila ang group chat ng mga ito na nag-collapse kalaunan.

Nasa libo aniya ang miyembro ng grupo, kabilang ang mula sa ibang bansa pero karamiha’y mga Pilipino.


Pawang 12 hanggang 19-anyos, sabi ni Matibag, ang tina-targetnito, at pinagagawa ng karahasan ang mga biktima bilang bahagi ng ‘initiation.’


Kapag nagawa umano ito, magkakaroon sila ng promotion, halimbawa kung papatayin ang sarili ay mapo-promote sila sa ‘sainthood.’


Dagdag ni Matibag na posibleng galing sa iisang grupo ng groomers ang nang-impluwensya sa mga estudyanteng shooter sa San Jose National High School sa Tacloban City at sa Ateneo de Zamboanga University sa Zamboanga.


Makikipagpulong aniya sila kay Executive Secretary Ralph Recto, mga opisyal ng DICT, Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) at sa Meta sa Huwebes.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page