top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Digong, sasalang sa trial sa Nov. 30 — ICC

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
1 min read

ni Mylene Alfonso @News | October 10, 2026



Rodrigo Duterte - ICC

Photo: Rodrigo Duterte - ICC



Idineklarang 'fit to stand trial' ng International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng kasong crimes against humanity na may kinalaman sa madugong war on drugs ng kanyang administrasyon.


Sa desisyong may petsang Setyembre 28 at inilabas sa publiko nitong Oktubre 8, sinabi ng ICC Trial Chamber III na kumbinsido itong kayang gamitin ni Duterte ang kanyang mga karapatan sa patas na paglilitis.


Ito ay batay sa mga pagsusuri ng isang independent panel of experts gayundin sa mga isinumiteng posisyon ng depensa at prosekusyon.

Nakatakdang magsimula ang paglilitis sa Nobyembre 30.


May kakayahan din si Duterte na unawain ang mga paratang laban sa kanya, ang layunin at mga posibleng kahihinatnan ng paglilitis, ang mga ebidensya ihaharap, at ang takbo ng mga pagdinig.


Kaya rin umano niyang makipag-ugnayan sa kanyang mga abogado para sa paghahanda at pagsasagawa ng kanyang depensa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page