Nakita ng anak... Nanay tadtad ng saksak, tatay sinasaksak ang sarili

by Levi Gonzales @News | October 11, 2026

Photo: File
Patay ang isang 49-anyos na misis matapos umanong saksakin ng kanyang mister sa kanilang tahanan sa Brgy. Marawoy, Lipa City, Batangas.
Batay sa ulat, alas-12 ng tanghali nakita ng kanilang anak ang biktimang si alyas Clemen, 49, sari-sari store owner na duguan sa banyo habang ang suspek naman na si alyas Rodrigo, 52 ay sinasaksak ang sarili.
Agad na humingi ng tulong ang anak sa kanilang kapitbahay, na nagpaabot ng impormasyon sa mga opisyal ng barangay at pulisya.
Naaresto ang suspek at kapwa dinala ang mag-asawa sa pagamutan subalit idineklarang dead-on-arrival ang biktima.
Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang motibo sa krimen.





Comments