top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg
Search

by Jeff Tumbado @News | August 26, 2026



Atty. Melvin Matibag - NBI

Photo: File / LTO



Iimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga indibidwal na umano’y nanood, kumuha ng video at nagbahagi sa social media ng footage kaugnay ng shooting incident sa Ateneo de Zamboanga University (ADZU) kamakailan.


Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, bahagi ng isasagawang imbestigasyon ang pagtukoy sa mga taong nag-record at nagpakalat ng mga video ng insidente.


Tinitingnan din ng mga awtoridad kung may paglabag sa batas o iba pang posibleng pananagutan ang mga sangkot sa pagbabahagi ng naturang mga materyal.


Samantala, tinukoy na rin ng NBI ang isang grupo ng ‘groomers’ ng mga menor-de-edad sa social media.


Sinabi ni Matibag na napasok nila ang group chat ng mga ito na nag-collapse kalaunan.

Nasa libo aniya ang miyembro ng grupo, kabilang ang mula sa ibang bansa pero karamiha’y mga Pilipino.


Pawang 12 hanggang 19-anyos, sabi ni Matibag, ang tina-targetnito, at pinagagawa ng karahasan ang mga biktima bilang bahagi ng ‘initiation.’


Kapag nagawa umano ito, magkakaroon sila ng promotion, halimbawa kung papatayin ang sarili ay mapo-promote sila sa ‘sainthood.’


Dagdag ni Matibag na posibleng galing sa iisang grupo ng groomers ang nang-impluwensya sa mga estudyanteng shooter sa San Jose National High School sa Tacloban City at sa Ateneo de Zamboanga University sa Zamboanga.


Makikipagpulong aniya sila kay Executive Secretary Ralph Recto, mga opisyal ng DICT, Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) at sa Meta sa Huwebes.

 
 

ni Mylene Alfonso @News | July 16, 2026



Atty. Melvin Matibag at Alan Peter Cayetano - NBI - Senate PH

Photo: NBI / Senate PH



Bukas si Senator-Judge Alan Peter Cayetano sa planong imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng umano'y mga iregularidad sa infrastructure projects para sa 2019 SEA Games, na pinamunuan niya bilang chairman ng organizing committee.


“Binabawasan talaga kami, iniisa-isa,” ani Cayetano, kasabay ng pagsasabing handa siyang humarap sa imbestigasyon.


Nauna nang sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na iimbestigahan nila ang umano'y bilyun-bilyong pisong “unliquidated,” kabilang ang pagbabayad sa isang pribadong kumpanya sa pamamagitan ng budget insertions.


"Go ahead and investigate [but] we have to make sure that the integrity of the court is intact," sabi ni Cayetano.


“I hope this issue of the integrity of the court becomes an issue to all of us,” wika pa niya.

 
 

ni Gina Pleñago @News | May 21, 2026



17 huli sa akto... Scam hub na mala-call center, buking

Photo: NBI



Nalansag ng National Bureau of Investigation-Special Action Unit ang 17 katao kabilang ang tatlong dayuhan at 14 na Pilipino sa pagsalakay sa isang mala-call center office na gamit sa iba’t ibang klase ng scam sa Parañaque City.


Nitong Mayo 15, nang salakayin ang ikatlong palapag ng isang gusali sa Patmos St., Multinational Village, para sa pagsisilbi ng Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data na inisyu ng Parañaque Regional Trial Court.


Dinatnan ng mga operatiba ang mala-call center na setup na binubuo ng maraming computer workstation, mobile phone, internet router, at iba pang digital device sa isang silid at sa hiwalay na kwarto naman ay narekober ang computer na may naka-install na “AI SWAP 2” application—ang teknolohiya ng deepfake na kayang palitan ang mukha ng modelo sa love scamming.


Naaktuhan ang 17 suspek na aktibong gumagamit ng mga computer system at communication device nang sumalakay ang NBI. LOL


Sa inisyal na forensic examination ng NBI-Digital Forensic Laboratory, natukoy na mga dayuhan ang target na binibiktima lalo na sa Estados Unidos, Bangkok, at ilang bansa sa Europa.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page