top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Nanghihipo raw 'pag lasing… JAK, NILAIT NG MGA FANS

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 6, 2024
1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | January 6, 2024




Sobra ang hate ng ibang fans kay Jak Roberto, dahil sa photos na ipinost ni Mikee Quintos kasama sina Paul Salas at Barbie Forteza na kuha sa birthday party ng anak ni Kristoffer Martin, may tumawag na pangit si Jak, mataba raw, laos, hindi sikat, red flag at kung anu-ano pa.


Idine-deny ng mga namba-bash kay Jak na BarDa fans sila at lalong hindi raw sila fans ni David Licauco, pero halata sa mga narratives nila kung kanino silang fans. 


May nagpayo pa kay Mikee na ‘wag palapitin kay Paul si Jak dahil baka mahawa sa pagiging touchy at aggressive ni Jak.


“Touchy” at “aggressive” kasi ang itinawag ni Ava Mendez kay Jak ‘pag nalalasing daw at based ito sa experience niya nang makasama ang aktor sa birthday party ng common friend nila. 


Matagal nang nangyari ang insidenteng ‘yun at hindi natin alam kung nakapag-usap at nagpaliwanag na si Jak kay Barbie, pero ang haters ni Jak, hindi makapag-move on.


Ang ending, at gaya sa mga unang nangyayari, ang BarDa at JakBie fans ang nag-aaway. 


Sabi ng mga maka-JakBie, hindi magtatagumpay ang BarDa fans sa paninira kay Jak.


Hindi rin sila susundin ni Barbie sa gusto nilang hiwalayan nito si Jak dahil kilala na ni Barbie ang boyfriend.


Nadagdagan siguro ang inis ng BarDa fans dahil magkasama na naman sina Jak at Barbie nang manood ng Becky & Badette at Mallari. 

 

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page