top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Nang malamang patay na… COCO, SUMUGOD AGAD SA BAHAY NI JACLYN

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 5, 2024
2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | March 5, 2024





Nagluluksa ang mundo ng showbiz dahil sa pagpanaw ng beteranang aktres na si Jaclyn Jose. 


Kung may isang artista na talagang malapit sa yumaong aktres, 'yun ay walang iba kundi si Coco Martin. Ang aktor umano ang unang dumating sa bahay ng premyado at beteranang actress nang matanggap ang balitang natagpuan ang katawan nitong wala nang buhay.


Ayon sa impormasyon, nakita si Coco ng ilang taong nasa scene of the crime na dumating sa bahay ni Jaclyn.


Isinama ni Coco si Jaclyn sa Kapamilya serye na FPJ’s Batang Quiapo bilang Correctional Chief Espina. 


Nandu'n din daw ang kaibigan ni Jaclyn na si Cherry Pie Picache na kasama rin nila sa BQ. 


Isinama ni Coco si Jaclyn sa kanyang action serye dahil nanay-nanayan niya ang aktres mula nang mag-umpisa siya sa showbiz.


Sa isang panayam dati, nasabi ni Jaclyn ang dahilan kung bakit napapayag siyang bumalik sa ABS-CBN makalipas ang sampung taon.


Aniya, “Si Coco (ang isa sa rason), parang anak ko na ‘yan. Ang una niyang pelikula, kasama ako, Masahista, noong araw. Matagal na. At mula noon, hindi naman kami nag-lose contact. In short, nagkakausap pa rin,” wika ng beteranang aktres. 


Dagdag pa niya, “Ang pakiramdam ng artista, ako, ha, kapag hindi ako nakapasok sa soap ni Coco, halimbawa itong Probinsyano na natapos, hindi kumpleto ang pagiging artista ko.

“May ganoong feeling. Hindi ko alam ang pakiramdam ng kapwa ko artista, pero ako, ganoon ang pakiramdam ko,” aniya pa.


Si Jaclyn din ang nang-engganyo kay Coco na pumasok na sa mainstream, na dati ay nahihiya pa raw ang aktor. 


Sa kanyang Facebook page, nag-post si Coco ng picture nila ni Jaclyn kung saan nakayakap siya sa aktres mula sa likuran at ang inilagay niyang caption ay: "Another important part of my life you are still gone! (crying at brokenhearted emojis)"


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page