top of page
TEKA NGA - DIREK DARRYL, SHOCKED NA MAGALING UMARTE AT MATALINO SI SARAH_FB Circulated.jpe

Nakapagtapos na ng college, puwede pa bang mag-aral muli nang libre?

Writer: BULGAR
BULGAR
6 hours ago
2 min read

ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | November 10, 2026



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Nakapag-aral at nakapagtapos ako ng Bachelor of Arts in Computer Science sa isang state university, subalit nais kong kumuha ulit ng kursong nursing para ako ay makapag-abroad.  Kaya naman, nais ko pong malaman kung maaari akong makapag-aral nang libre sa nasabing state university kung kukuha ulit ako ng panibagong bachelor’s degree. Nais ko pong maliwanagan. Maraming salamat po.


— Divina Salagan



Dear Divina Salagan,


Ang edukasyon ay mahalaga sa pagkakaroon ng magandang kinabukasan, pero hindi lahat ng estudyante ay may sapat na kakayahang pinansyal para makapag-aral sa kolehiyo. Dahil dito, ipinatupad ang Republic Act (R. A.) No. 10931, o Universal Access to Quality Tertiary Education Act, upang makatulong sa mga estudyanteng nais ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Sa pamamagitan ng naturang batas, mas maraming Pilipino ang maaaring mabigyan ng pagkakataong makapag-aral sa kolehiyo nang hindi gaanong nabibigatan sa gastusin. Ayon sa Seksyon 6 (a) (1) ng nasabing batas:


“Section 6. Exceptions to Free Tertiary Education. - The following students are ineligible to avail of the free tertiary education:


  1. In SUCs and LUCs:


  1. Students who have already attained a bachelor's degree or comparable undergraduate degree from any HEI, whether public or private:


  1. Students who fail to comply with the admission and retention policies of the SUC or LUC;


  1. Students who fail to complete their bachelor's degree or comparable undergraduate degree within a year after the period prescribed in their program; xxx” 


Sang-ayon sa mga nabanggit, ang mga estudyante ng state universities (SUC) o local universities and colleges (LUC), na nakakuha o nakapagtapos na ng isang bachelor’s degree, at iba pang katumbas na undergraduate degrees sa kahit na anong higher education institution (HEI), pribado man o pampubliko, ay hindi na kwalipikadong makakuha ng libreng tertiary education sa ilalim na naturang batas.


Samakatuwid, dahil nakapagtapos ka na ng isang bachelor’s degree ay hindi ka na kwalipikado pa na makakuha ng libreng tertiary education sa ilalim ng R.A. No. 10931.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyong iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page