top of page
TEKA NGA - DIREK DARRYL, SHOCKED NA MAGALING UMARTE AT MATALINO SI SARAH_FB Circulated.jpe

Akala beauty lang… DIREK DARRYL, SHOCKED NA MAGALING UMARTE AT MATALINO SI SARAH

Writer: BULGAR
BULGAR
46 minutes ago
3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 10, 2026



TEKA NGA - DIREK DARRYL, SHOCKED NA MAGALING UMARTE AT MATALINO SI SARAH_FB Circulated

Photo: FB Circulated



Noong una, ang akala raw ni Direk Darryl Yap ay ang pagiging maganda lang ang puwedeng ipagmalaki ni Sarah Lahbati. Kaya nagulat siya nang makitang marunong itong umarte nang isama sa cast ng horror movie na VHS.


Na-impressed si Direk Darryl, beauty and brains daw pala ang ex-wife ni Richard Gutierrez.


Well, hindi siguro aware ang direktor na pagkatapos manalo ni Sarah sa StarStruck ay binigyan siya ng GMA Network ng mga series na kanyang pinagbidahan. Dito nahasa ang kanyang acting skills.


At kapag galing sa StarStruck, marunong ding kumanta at sumayaw kaya puwedeng ilagay ang aktres sa kahit na anong shows.





Kahit fave ng mga fans…

MIKEE, TAGILID MA-EVICT SA PBB



MAY tsika na ang Kapuso artist na si Mikee Quintos ay isa sa mga guest housemates sa Pinoy Big Brother Collab 3.0 (PBBC3.0). Sa kabila ng kanyang popularidad at pagiging malapit sa ibang mga housemates, isa siya sa mga nominees for eviction this week.


Siyempre, hindi papayag ang mga loyal fans and supporters ni Mikee. Bubuhos ang mga boto mula sa mga viewers upang maisalba siya. Siya ang itinuturing na big sister (bukod kay Winwyn Marquez), barkada at beshie ng lahat sa loob ng Bahay ni Kuya.


Samantala, tiyak na ikagugulat ng lahat ng PBBC3.0 housemates ang mabubunyag na sikreto ni Robbie Jaworski na hindi pala siya regular na contestant, kundi guest lamang na top secret nila ni Kuya.


May special assignment o mission si Robbie na ibinigay sa kanya. Siya ang magsisilbing tagapayo ng mga housemates na may pinagdaraanang problema at gagawa ng mga charity challenges, kaya aasahan nang hindi magtatagal sa PBB house.





NAPAKASIPAG mag-promote nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ng pelikula nilang Remember na ipapalabas na bukas, November 11.


Inspirado sila sa movie na kinunan pa sa Quebec, Canada. Dalawang linggo silang nag-shoot abroad at maraming happy memories ang DongYan (Dingdong at Marian) sa muli nilang pagtatambal.


Halos naikot na nina Marian at Dingdong ang lahat ng mga TV shows para mag-imbita na panoorin ang kanilang pelikula. Nag-grant din sila ng interviews sa YouTube (YT) channels ng ilang celebrities.


Nang mag-guest sila sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS), naiyak si Marian Rivera nang sorpresang bumisita ang veteran actress na si Odette Khan upang personal na magpasalamat kina Marian at Dingdong.


Ayon sa beteranang aktres, si Marian ang tumulong sa kanya nang siya ay magkasakit nang malubha at maospital. Utang niya sa Primetime Queen ang kanyang pangalawang buhay.


Marami nang natulungan si Marian na hindi niya ipinapaalam sa publiko. Aktibo rin siya sa mga charity works.


Kaya naman, masuwerte ang aktres sa kanyang career at masaya ang married life. Nakatagpo siya ng isang mabuti at responsableng mister na tulad ni Dingdong at may mga anak silang mababait din.





EMOSYONAL si Regine Velasquez kapag tungkol sa kanyang singing career ang napag-uusapan.


Tanggap naman nitong marami nang baguhang singers ngayon na magagaling din. Aminado siyang hindi na niya kayang bumirit tulad ng dati. Well, tanggap na rin niya na malapit na siyang palitan sa kanyang trono bilang Asia’s Songbird kaya pinaghandaan niya nang husto ang kanyang FINALE concert sa Araneta Coliseum. Nagtagumpay ito dahil pinanood ng mga kapwa niya singers at iba pang celebrities.


Ganunpaman, para sa mga supporters ni Regine, hindi pa panahon ng kanyang pagre-retire. Kaya pa ng Asia’s Songbird mag-show at magkaroon ng mini concert, kung saan kasama niya ang mister na si Ogie Alcasid.






Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page