Atong Ang, parang inuunggoy ang DILG, online sabong tuloy pa rin

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | November 10, 2026

GOOD NEWS SA PAMILYA DUTERTE AT BAD NEWS NAMAN SA MARCOS ADMIN ANG HINDI PAGLAHOK NI MAYOR LENI SA 2028 PRESIDENTIAL ELECTION — Nanindigan si Naga City, former Vice President Leni Robredo, na hindi siya kakandidato sa pagka-presidente, na aniya, for mayor uli siya sa kanilang lungsod, at wala na raw sinuman pa ang makapagpapabago sa desisyon niyang hindi paglahok sa 2028 presidential election.
Good news 'yan sa pamilya Duterte at bad news naman sa Marcos administration, sa mga Dilawan at Kakampink.
Good news sa pamilya Duterte kasi sa totoo lang, alam nilang si Mayor Robredo lang ang malakas na kandidatong puwedeng ipantapat sa sinuman sa mga Duterte na tatakbo sa pagka-presidente, at kaya naman bad news 'yan sa Marcos admin, sa mga Dilawan at Kakampink dahil wala na silang puwedeng ipanlaban na malakas na presidential candidate na puwedeng ibangga sa Duterte sa 2028 election, period!
XXX
PASABOG NI ENGR. CORTES, MABIGAT KAYA MALABO NANG MAPAGBIGYAN ANG HIRIT NI CONG. ROMUALDEZ NA MAKAPAG-BAIL — Isinangkot ni Department of Public Works and Highways (DPWH)-Programming Division chief Engr. Peter Paul Cortes sa 444 DPWH projects worth P27.43 billion sina Leyte 1st Dist. Rep. former Speaker Martin Romualdez at former Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.
Mabigat ang “pasabog” na ‘yan ni Engr. Cortes at dahil d’yan ay huwag nang umasa si Cong. Romualdez na 'yung hirit niyang makapag-bail ay pagbibigyan, kasi kapag hinayaan siyang makapagpiyansa ay tiyak na puputaktihin nang batikos sa social media ang Sandiganbayan, boom!
XXX
MGA SINIBAK SA DPWH, PINANGALANAN NI SEC. LOPEZ AT ANG MGA SINIBAK SA CUSTOMS AYAW PANGALANAN NI COMM. NEPOMUCENO — Apat na opisyal ng DPWH ang sinibak ni DPWH Sec. Giovanni Lopez dahil sa isyu ng corruption, at sila ay sina DPWH-Tarlac Dist. 1 Engr. Hermon Ines, DPWH-Cotabato 3rd Dist. Engr. Saidale Mitmug, DPWH-Apayao 2nd Dist. Engr. Clifton Valencerina at DPWH-Lanao del Norte 2nd Dist., Engr. Amron Mitmug.
Dapat ganyan, kapag may sinibak na kurakot, pinapangalanan, hindi tulad ni Customs Comm. Ariel Nepomuceno na ibinida na 30 korup daw sa Customs ang kanyang sinibak, pero hindi naman niya pinangalanan!
XXX
SEC. JONVIC REMULLA PARANG INUUNGGOY NI ATONG ANG KASI PINATUTUGIS ITO NG DILG SEC, AT ANG GINAGAWA NAMAN NG WANTED NA GAMBLING TYCOON NAGPAPA-ONLINE SABONG PA SA ‘PINAS — Parang inuunggoy ng puganteng gambling tycoon Charlie “Atong” Ang si Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla.
Sa kabila ng pagiging wanted sa batas ni Atong Ang, nagagawa pa raw nitong makapag-operate ng illegal gambling sa bansa at napatunayan umano ‘yan sa ni-raid na online sabong sa Pandi, Bulacan.
Kaya natin nasabing parang inuunggoy ni Atong Ang si Sec. Remulla kasi sa presscon kamakailan ay ibinida ng DILG Sec. na hindi raw tumitigil ang kapulisan sa paghahanap sa gambling tycoon, tapos ang wanted na ito ay nagagawa pang magpa-online sabong sa ‘Pinas? Boom!





Comments