top of page
WINNER - 200 EMPLEYADO NG ABS-CBN, TATANGGALIN-ABS CBN.jpg

Nakagat ng aso ng menor-de-edad na kapitbahay

Writer: BULGAR
BULGAR
6 hours ago
2 min read

ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | September 16, 2026



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Nakagat ako ng aso na pagmamay-ari ng aming kapitbahay habang naglalakad papasok sa aking opisina.  Pinuntahan ko ang may-ari ng aso para ipagbigay-alam sa kanila ang nangyari. Sinabihan ako ng aming kapitbahay na ang asong nakakagat sa akin ay pagmamay-ari ng kanyang menor-de-edad na anak.  Hindi diumano nila sinasadya ang nangyari at wala diumano ang may kagustuhan nito.   


Ayon sa mga magulang ng bata, hindi nila sasagutin ang pagpapagamot ko dahil walang trabaho ang kanilang anak at ito ay menor-de-edad pa lamang.  Sinabihan ko sila na wala rin akong kakayanan na paturukan ang aking sarili sapagkat kulang pa ang aking kinikita para sa aming pang-araw-araw na gastusin.  Puwede ko bang papanagutin ang mga magulang ng may-ari ng aso? — Diego





Dear Diego,


Para sa iyong kaalaman, ang batas na sumasaklaw sa sitwasyon na iyong inilahad ay ang Article 2180 ng New Civil Code of the Philippines kung saan nakasaad na: 

“Article 2180. The obligation imposed by Article 2176 is demandable not only for one's own acts or omissions, but also for those of persons for whom one is responsible. The father and, in case of his death or incapacity, the mother, are responsible for the damages caused by the minor children who live in their company.”


Alinsunod din sa Article 221 ng Family Code of the Philippines na: 


Article 221. Parents and other persons exercising parental authority shall be civilly liable for the injuries and damages caused by the acts or omissions of their unemancipated children living in their company and under their parental authority subject to the appropriate defenses provided by law.” 


Malinaw sa nabanggit na mga probisyon ng batas na ang mga magulang ang may pananagutan sa pinsala at danyos na nagawa ng kanilang mga menor-de-edad na anak na nasa kanilang pangangalaga.  


Kaugnay nito, nakasaad din sa Section 5 ng Republic Act (R.A.) No. 9242 o ng The Anti- Rabies Act and Responsibilities of a Pet Owner na: 


Section 5. All Pet Owners shall be required to: 


(f) Assist the dog bite victim immediately and shoulder the medical expenses incurred and other incidental expenses relative to the victim's injuries.” 


Sa iyong sitwasyon, maaari mong panagutin ang magulang ng batang nagmamay-ari ng asong nakawala at nakakagat sa iyo para sa lahat ng gastusing medikal at sa pagpapabakuna na kakailanganin mo kaugnay ng nasabing insidente.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyong iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page