Nagpalit ng profile photo sa FB, pahulaan… SIGAW NG FANS: SARAH, TAMANG PAPANSIN PARA MAPAG-USAPAN
- BULGAR
- Feb 5, 2024
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | February 5, 2024

Nagpalit ng profile photo si Sarah Geronimo sa kanyang Facebook account, kaya in-assume naman agad ng mga netizens na buntis ang Popstar Royalty.
Ani naman ng isang netizen, "For sure, concert ‘yan. Hindi pa handa si Sarah na magbuntis at may movie pa sila ni JLC."
"Hindi na tuloy ‘yun. ‘Yung Korean adaptation ang gagawin niya," pagkontra ng isa.
"Konting kibot, may kahulugan.”
"Mahilig din sa pahulaan itong mga artista for views siyempre.”
"Pakonti-konti. Baka nakalagay sa contract, hindi pa puwedeng magbuntis."
"If you'll have time to read FB comments, ang dami nilang na-decode d’yan, haha! Pero pinakamarami ay congrats."
"Ang gagaling ng mga netizens, nai-connect pa nila ‘yung bilog na orange sa pagbubuntis."
“Mga Pinoy talaga. It's obviously a teaser for an upcoming album/concert. Ganyan ginagawa ng mga foreign artists. Sobrang babaw naman ni Sarah kung magpalit siya ng kulay orange na profile picture para lang sabihing buntis siya. Lol."
May nagbiro, "Wala bang magtse-check kung suot pa niya ‘yung wedding ring?"
"I doubt din na pregnancy announcement ‘yan. ‘Di ‘yan basta-basta magpo-post ng ganyan. Mas maniniwala pa ako na new product endorsement, movie or concert ‘yan."
"Hindi ko makita konek ng tirik na mata ni Sarah sa pagbubuntis."
"Let the lady make her own announcement. ‘Wag natin siyang pangunahan."
Oo nga naman!
Comentários