Nagpa-gluta drip sa mismong office ni Sen. Robin, binash, dedma… MARIEL, TINAWAG NA UNEDUCATED, WALANG DELICADEZA AT MAKAPAL ANG MUKHA
ni Beth Gelena @Bulgary | February 25, 2024

Grabeng pamba-bash ang inaabot ngayon ng misis ni Sen. Robin Padilla na si Mariel Rodriguez-Padilla dahil lang sa nai-post nitong nagpapa-gluta drip sa mismong opisina sa Senado ng kanyang mister.
Pero imbes maapektuhan si Mariel at seryosohin ang pamba-bash sa kanya, waring lalo pa nitong ginalit ang mga galit na galit sa kanya.
Sa Instagram Story ng aktres-turned online seller, makikita ang post niyang: “At dahil trending tayo…halikaaaa makisali sa TikTok sale,” kasama ang picture niya na may hawak na product na kanyang ine-endorse.
Nag-post pa ulit siya ng kasunod na IG Story, “Because trending ako!!! Mag-sale tayo sa Tiktok!!! 6PM, Super Sale!”
Inulan na naman tuloy ng komento ng mga netizens at lalong binash ang asawa ni Sen. Robin. Tinawag pa nga siyang "uneducated" dahil sa post niya.
Ito pa ang comment ng isang basher, “Another unbothered queen? Lol, bffs nga sila,” na ang tinutukoy ay si Toni Gonzaga na unang binansagan ng mga netizens na "Unbothered Queen".
“Zero delicadeza.”
“Ganyan kakapal ang mga 'yan nowadays.”
“Gross and shameless,” ilan lang sa masasakit na komento ng mga bashers laban kay Mariel.
Halatang nagte-take advantage si Mariel sa pagiging trending niya pero puwede rin namang sinasadya niya talaga ang pag-IG Story para makuha ang atensiyon ng masa at mabili ang produktong ineendorso niya.
Ito na siguro ang bagong strategy para makakuha ng buyers.
Kaso, dahil sa ginagawa ni Mariel, nadadawit si Sen. Robin na ipinagtatanggol ang misis sa mga bashers.





Comments