Nag-show sa probinsiya… GABBY AT DENNIS, SA ECONOMY LANG NG EROPLANO
- BULGAR
- Nov 28, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | November 28, 2023

Natawa kami sa comment ng isang fan sa ipinost na reels ni Gabby Concepcion sa ginanap na regional promo nila ng Stolen Life kasama si Dennis Trillo ng Love Before Sunrise sa Zamboanga City noong November 25.
Makikita sa reels na ipinost ni Gabby na magkakatabi sila ng upuan nina Dennis at Sparkle artist Cheska Fausto.
Makikita rin na nasa economy class ang tatlo dahil maraming pasahero ang nasa likod nila. Ang daming nag-comment, pero naiba ang comment ng isang fan yata ni Gabby na naka-address sa GMA Network. Dapat daw, nasa business class ang tatlo and at the same time, pinuri ang pagiging humble nina Gabby at Dennis.
Okay lang naman siguro kina Gabby at Dennis kahit nasa economy class at ang importante sa kanila, makarating at makabalik nang safe. Importante rin na napasaya nila ang mga Kapuso fans na nanood sa kanila.
Isa pang nabasa namin sa mga comments ay ang suot na shades ni Gabby dahil sabi ng mga fans, bigay daw ‘yun ni Sharon Cuneta. Hindi lang daw isa ang bigay ni Sharon na birthday gift kay Gabby. May nagsabi pang hindi ordinary shades ang regalo ni Sharon, corrective eyeglasses daw ang bigay nito dahil color blind si Gabby at hindi nakikita ang red at green colors.
Nalaman lang daw ito ni Sharon sa Dear Heart concert nila at para hindi na mahirapan si Gabby lalo at may repeat pa ang concert nila, niregaluhan na siya ng corrective eyeglasses ni Sharon.
Commentaires