Na-develop sa serye… MILES AT ELIJAH, MAGDYOWA NA
- BULGAR
- Jan 3, 2022
- 1 min read
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | January 03, 2022

Finally, may boyfriend na si Miles Ocampo, si Elijah Canlas.
Nagka-develop-an daw ang dalawa sa TV series na Paano ang Pangako na napanood sa TV5 noong nakaraang taon.
Tanda namin na tinanong namin sina Elijah at Miles sa virtual mediacon ng serye kung posible bang mag-level-up ang pagkakaibigan nila dahil pareho nilang sinabing boyfriend at girlfriend material ang isa’t isa.
Bukod dito ay nag-e-enjoy sila sa kuwentuhan na silang dalawa lang dahil marami silang nadiskubreng iisa ang mga gusto nila sa maraming bagay at pareho rin sila ng wave length.
Naalala naming kinilig na kuwento ni Miles noong nasa locked-in taping sila sa San Pablo City, Laguna na nag-crave siya sa Potato Corner chips at iyon din pala ang nasa isip noon ni Elijah at laking-gulat ng aktres dahil may dumating na chips na inorder daw ng binata.
Medyo mahaba-haba ang locked-in shoot ng Paano ang Pangako kaya rito nagkakilanlan ang dalawa at marahil, bago matapos ang shoot ay doon na nagkatanungan kung gusto nila ang isa’t isa.
Walang ibinigay na specific date ang aming source kung kailan naging official na magdyowa sina Elijah at Miles at for sure ngayong 2022 ay iseselebra nila ang kanilang unang anibersaryo.
Samantala, wala namang tutol sa relasyon ng dalawa dahil pareho silang single at higit sa lahat, bagay sila at parehong konserbatibo at matalino.
At pareho silang sa University of the Philippines nag-aaral, magkaibang branch nga lang dahil sa Diliman ang dalaga at sa Manila naman ang binata.
May mga nakakakitang magkasama ang dalawa sa mga lakaran at hindi naman nila ito itinatago sa lahat.





Comments