top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Multa, tanggal-lisensiya at pagkakakulong sa may-ari ng botika na susuway sa Generics Acts of 1988

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 20, 2020
  • 3 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | October 20, 2020



Dear Chief Acosta,

Ako ay may sakit na nangangailangan ng patuloy na pag-inom ng ilang uri ng mga

maintenance na gamot upang mapanatiling maayos ang aking kalusugan. Binibili ko ang

aking mga gamot sa botika sa aming bayan. Ngunit, nalaman ko na ang iniinom kong

branded na gamot ay mas mahal pala kaysa sa generic na katumbas nito. Dahil dito ay

generic na palagi ang aking binibili dahil sa laki ng natitipid ko kumpara sa dating branded

na binibili ko. Napaisip ako kung alam ba ito ng ibang mamimili ng gamot na tulad ko ay

gusto rin na makamura sa pagbili ng kinakailangang gamot sa pang-araw-araw. May batas

ba na nagsasabi na kailangang sabihan ng mga botika ang mga mamimili tungkol sa mga

generic na gamot? – Roes Marie


Dear Rose Marie,

Upang mabigyan kalinawan ang inyong katanungan, kailangan natin tingnan ang

Republic Act (R.A.) No 6675, na kilala bilang “Generics Acts of 1988” na naamiyendahan naman ng R.A. No. 9502, na kilala bilang “Universally Accessible Cheaper and Quality Medicines Act of 2008.”


Ang R.A. No. 6675 ay ipinasa bilang bahagi ng polisiya ng estado na isulong ang

paggamit ng mga generic na gamot upang matugunan ang pangangailangan ng gamot sa pinakamababang halaga para sa mga mamimili. Ang R.A. No. 9502 ay hindi kalaunang ipinasa naman upang palakasin ang mga adhikain ng naunang R.A. No. 6675 sa pamamagitan ng pag-amyenda sa ilang bahagi ng batas na ito kabilang ang mga tungkol sa pagbibigay ng naaayong impormasyon sa bisa at pagkakaroon ng mga pagpipiliang mga generic na gamot sa mga mamimili. Ayon sa naamiyendahang RA No. 6675:


“(d) Drug outlets, including drugstores, hospital and non-hospital

pharmacies and nontraditional outlets such as supermarkets and stores, shall

inform any buyer about any and all other drug products having the same

generic name, together with their corresponding prices so that the buyer

may adequately exercise his option. Within one (1) year after the approval of

this Act, the drug outlets referred to herein shall post in conspicuous places

in their establishments a list of drug products with the same generic name

and their corresponding prices.


(e) There shall appear prominently on the label of a generic drug the

following statement: this product has the same therapeutic efficacy as any

other generic product of the same name. Signed: BFAD." Emphasis supplied.

(Sec. 6, RA 6675 as amended by RA 9502)


Makikita sa nabanggit na probisyon na inuutusan ng batas ang mga botika na hayagang

ipagbigay-alam sa mga mamimili ang pagkakaroon at presyo ng mga katumbas na generic na gamot sa mga mamimili lalo na sa mga bumibili ng branded na gamot. Sa pamamagitan nito ay nabibigyang-kaalaman ang mga mamimili sa presyo ng kanilang binibiling gamot upang magkaroon sila ng mas malawak na pagpipilian sa pagitan ng generic at branded na gamot. Iminumungkahi rin ng batas sa mga generic na gamot na maglagay ng pahayag sa kanilang mga produkto na nagsasabi at naninigurado sa bisa ng generic na gamot upang maalis ang maling pag-aakala na mas mahina ang generic kumpara sa branded na gamot.   


Itinatakda ng batas ang mga obligasyong ito sa mga botika upang siguraduhin na

mabibigyan ng mura at sapat na pagpipiliian sa kanilang mga kailangang gamot lalo na sa mga tulad ninyong nangangailangan ng madalas na pag-inom ng gamot para sa inyong kalusugan. Ang hindi pagsunod ng mga botika sa mga nabanggit na patakarang itinatakda ng batas ay maaaring mag resulta sa pagpataw ng multa, pagtanggal ng lisensiya sa kanila at maging ang pagkakakulong sa mga hindi susunod dito. (Sec. 12 B of RA 6675, as amended by RA 9502)  


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay

base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page