top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Garin, ‘di pa lusot sa Dengvaxia, ‘wag muna magpiyesta

Writer: BULGAR
BULGAR
3 days ago
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | October 16, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


PBBM BINABANGGA SI VP SARA AT CONG. SANDRO BABANGGAIN NAMAN ANG GMA — Kumalas si Ilocos Norte 1st Dist. Rep. Sandro Marcos sa political party ng kanyang ama (President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.,) na Partido Federal ng Pilipinas (PFP), at lumundag siya sa partidong Lakas-CMD na pinamumunuan ng tiyuhin niyang nakakulong ngayon sa city jail sa kasong plunder.


Isa ang nakikita ng mga political analyst sa pagsapi ni Cong. Sandro sa Lakas-CMD at ito ay upang hindi masolo ni Pampanga 3rd Dist. Rep., former President Gloria Arroyo ang pagkontrol sa partidong ito (Lakas-CMD) dahil nga kilalang malapit si Cong. Gloria kay VP Sara.


Ibig sabihin niyan, hindi lang si Vice President Sara Duterte ang binabangga ngayon ng mag-amang Marcos, kundi pati si GMA, boom!


XXX


KAPAG NAPATUNAYAN NI VP SARA NA WALA SIYANG ILL-GOTTEN WEALTH, LAGOT SI PBBM AT ANG PROSECUTION PANEL KAPAG NAGING PRESIDENTE NA SIYA SA YEAR 2028 — Base sa survey na inilabas ng Pulse Asia ay 51% ng mga Pinoy ang nagsabi na nais nilang mag-testify sa impeachment court o harapin ni VP Sara ang kinakaharap niyang kasong impeachment, partikular sa isyu ng ill-gotten wealth o unexplained wealth.


'Yan talaga ang dapat gawin ni VP Sara, kasi kapag naipaliwanag niya nang maayos sa impeachment trial na wala siyang ill-gotten wealth ay lagot si PBBM at ang prosecution panel kapag naging presidente siya sa year 2028, na ika nga, papanagutin niya ang mga ito sa paninira sa kanya, period!


XXX


CONG. JANET GARIN HINDI PA LUSOT SA ISYUNG DENGVAXIA — Inabsuwelto ng Sandiganbayan si Iloilo Rep. Janet Garin sa kasong graft at technical malversation na may kaugnayan sa sinasabing maanomalyang procurement ng P3.5 billion worth ng Dengvaxia anti-dengue vaccine noong kalihim pa ng Department of Health (DOH) noong year 2015 ang kongresista.


Kung inaakala ng mga supporters ni Garin na lusot na siya sa kasong may kaugnayan sa isyung Dengvaxia, ang kongresista ay nagkakamali, kasi may kaso pang isinampa ang Public Attorney's Office (PAO)  na mga civil cases sa Department of Justice (DOJ) laban sa kongresista na may kinalaman naman sa danyos sa mga batang nasawi anti-dengue (Dengvaxia) na itinurok sa kanila noong DOH sec. pa ang congresswoman, boom!


XXX


HINDI LANG DAPAT MGA NAGPUPUSTAHAN SA BILYARAN ANG HINUHULI NG AKLAN PNP, DAPAT HULIHIN DIN NILA ANG MGA PASIMUNO SA RAKET NA STL-BOOKIES SA LALAWIGAN — Unfair sa mga billiard players at sa mga fanatics na nagpupustahan sa kinakampihan nilang manlalaro ng bilyar, ang ginawang pag-aresto at pagsasampa ng kasong illegal gambling sa kanila ng Aklan Police Provincial Office, habang sa kabilang banda ay wala namang ginagawang aksyon ang kapulisan para dakpin ang mga pasimuno ng raket na STL-bookies nina  "Dindo," "Ted" at "Rodney."


Kung talagang matindi ang kampanya ni Aklan PNP Director, Col. Arnel Ramos, laban sa illegal gambling ay dapat patas ang ginagawang panghuhuli, hindi lang dapat 'yung mga nagpupustahan sa bilyaran ang hinuhuli, dapat ay ipahuli rin niya sina "Dindo," "Ted" at "Rodney"na milyun-milyon ang kinikita sa raket na STL-bookies sa Aklan, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page