top of page
Search
  • BULGAR

MU raw sa pag-alis ng 'Pinas, magdyowa na pagbalik… KATHRYN AT ALDEN, MATAGAL MAGSASAMA SA CANADA

ni Nitz Miralles @Bida  | June 14, 2024



Paolo Contis

                                                   

Lumipad kahapon pa-Hong Kong (HK) si Alden Richards para simulan na ang shooting ng Hello, Love, Again (HLA) nila ni Kathryn Bernardo. 


Sa TikTok post ni Director Cathy Garcia-Sampana, dumating na sa airport ng HK si Alden at ang caption ay: “Dito na si Ethan!!!” kaya marami ang na-excite.


May mga nalungkot lang dahil hindi magkasabay na umalis ng 'Pinas sina Alden at Kathryn. Wala na kasing eksena sa HK ang aktres. Sunod na lumipad pa-HK sina Jeffrey Tam at Joross Gamboa na kasama pa rin sa HLA.


Pinupuri ang kasipagan ni Alden dahil noong June 12, nasa Davao City siya para sa Independence Day Celebration at para na rin sa promo ng Pulang Araw (PA)


Kahapon (June 13), nasa HK siya para sa shooting ng HLA. Hindi pa yata tapos ang taping niya ng PA, kaya babalik pa siya bago lumipad pa-Canada para sa shooting nila ni Kathryn.


Anyway, kinikilig ang mga KathDen (Kathryn at Alden) fans na sa shooting ng HLA, matagal magkakasama sina Alden at Kathryn. Ang biruan ng mga fans, mag-MU ang dalawa na magsisimula ng shooting, baka raw pagbalik nila ay couple na sina Alden at Kathryn. 


Mangyari kaya ito?


 

Todo-enjoy bilang single, Tom…

CARLA, TRIP TO JAPAN ANG B-DAY GIFT SA SARILI 




Ang ganda ng birthday message ni Carla Abellana na kaarawan noong June 12 at treat nito sa sarili ang trip to Japan.


Sey nito, “As I turn another year older, not only do I feel a genuine sense of happiness, but I also feel immensely grateful.


"I may not have everything I want and need in life. I struggle often, still worry from time to time (sorry, Lord) and quietly cry every now and then - all of which are fine and completely normal. But it’s truly the simplest of things that give me peace in my heart and help keep me going.


"On my birthday, I am grateful for the space to learn and grow from my mistakes, all

the fan messages and comments I receive, hugs from my nieces, a much bigger bed for my dogs, clean and fresh bed sheets, a warm shower, the breeze in my front porch, beautiful flowers, naps, the warmth of my family, my new home, the sound of my favorite beats, the kindness of strangers, the persons who love me genuinely, waking up each morning, the singsong of the wild birds on my trees, the laughter I share with my best friends, and all the times I kept going.”


Sa huli, ipinagpasalamat ni Carla sa Diyos ang mga sumusuporta at nagdarasal para sa kanya. 


After her vacation, magiging busy si Carla sa promo ng Widows’ War nila ni Bea Alonzo na premiere sa July 1.


 

IPINOST ni Alfred Vargas ang poster ng Pieta na may picture nila ni Nora Aunor at kasama nitong ipinost ang nominations na natanggap ng pelikula at cast sa 40th Star Awards for Movies. 


Sa caption, ramdam ang tuwa ni Alfred bilang aktor at producer.

“13 nominations for Pieta! Thank you, PMPC Star Awards! #grateful #PIETA #PMPCSTARAWARDS.”


Kabilang sa mga nominasyon ay Best Actress (Nora), Best Actor (Alfred), Best Supporting Actress (Gina Alajar) at Best Supporting Actor (Bembol Roco). 


Nominated din ang Pieta na Indie Movie of the Year, si Adolf Alix, Jr. para sa Indie Movie Director of the Year, at si Jerry Gracio para sa Indie Movie Screenwriter of the Year. Isa rin si Nora sa Dekada Awardees.


Dahil sa rami ng nominasyon, mas ganado nito si Alfred sa paghahanda sa special screening ng Pieta this month bilang tribute kay Nora sa pagiging National Artist niya.


Darating ang Superstar sa nasabing special screening.


Kasunod nito ang showing ng movie exclusively sa SM cinemas at may international screenings din para sa mga fans, lalo na sa mga Noranians na nasa ibang bansa.

0 comments

Комментарии


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page