Mister, pinaamin na… JESSY KAY LUIS: SO, BAKLA KA BA TALAGA?!
ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 11, 2021

'Kaaliw panoorin ang magdyowang Luis Manzano at Jessy Mendiola sa kani-kanilang vlog lalo na 'pag tungkol sa kani-kanilang sarili ang topic o 'di kaya ay tungkol sa relasyon nila, dahil ang daming pasabog!
Sa bagong vlog na uploaded sa YouTube channel ni Jessy na ang title ay Questions I've Never Asked My Husband, nabuking na dalawang beses palang binasted ni Jessy si Luis bago sila nauwi sa pagiging mag-boyfriend at pagpapakasal.
'Kaaliw ang reaksiyon ni Luis nang ikuwentong pagkatapos siyang bastedin ni Jessy sa kanyang mismong bahay kung saan nagkaiyakan pa raw sila dahil ang sabi ng aktres ay friends na nga lang sila, after an hour lang ay nag-text daw si Jessy at pinasusunod siya sa dinner nito with her friends.
Akalain mo 'yun, kung 'di pala sumugod si Luis sa nasabing dinner ni Jessy with her friends, eh, hindi sila mauuwi sa pagiging magkarelasyon.
Kasi pala, 'yun ang hininging sign ni Jessy kay Lord, na kapag sumunod si Luis sa kanya, ibig sabihin, meant na bigyan pa niya ng another chance.
Isa rin sa mga napag-usapan nila sa naturang vlog ay ang plano ni Jessy na kapag nagkaanak daw sila ni Luis ay talagang magla-lie-low muna siya sa showbiz. Gusto raw kasi niyang maging hands-on mom and wife.
Pero ang "pinakamatapang" na tanong ni Jessy sa kanyang mister ay ang tungkol sa matagal nang isyung ibinabato ng mga bashers kay Luis — ang pagiging gay daw ng TV host.
Tanong ni Jessy kay Luis, "Nahe-hurt ka pa rin ba 'pag tinatawag kang bakla?"
Bagama't lumukot nang bahagya ang mukha ni Luis, very sport naman niyang sinagot ito ng, "Wala, wala, not at all, I can even joke about it."
Nag-follow-up pa si Jessy at ang tanong sa mister, "So, bakla ka ba talaga?"
Sagot naman ni Luis, "Ikaw ang sasagot ng tanong mo. Ikaw ang sumagot ng tanong mo. Do you think I'm gay?"
Nag-blush ang mestisang si Jessy kaya kitang-kita ang biglang pagkukulay-makopa ng kanyang flawless cheeks at parang paiwas na sagot nito, "Okay, next question. Ayaw sumagot."
Nyay! Sana lang, diretso nang sinagot ni Jessy ang tanong at hindi na binitin para tuluyan nang tigilan si Luis ng mga bored na bashers niya, 'no!
Besides, for sure naman, napatunayan na ni Jessy not just once but many times na lalaking-lalaki si Luis, 'no!
Sana, ang naging sagot niya sa mga namba-bash na gay si Luis, "Manahimik na kayo! I should know, 'no!"
Tinuruan daw talaga namin si Jessy, oh! Hehe!





Comments