Mister ni Precious Lara, 14 days nag-quarantine… MARCO, POSITIVE SA COVID-19
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | March 27, 2021

Tatlong COVID-19 tests ang ginawa sa Kapuso actor na si Marco Alcaraz pero magkakaiba ang resulta kaya naguluhan ang hubby ni Lara Quigaman.
Positibo sa coronavirus si Marco sa swab test pero negatibo naman sa saliva antigen at isa pang RT-PCR test.
Para makasiguro ay tinapos ni Marco ang 14-day quarantine niya lalo’t pataas nang pataas ang bilang ng mga kaso ng COVID-19.
Ikinuwento ni Marco ang kanyang journey sa vlog niya na noong Marso 16 ay may nagsabing positibo ang isa sa staff sa locked-in taping nila kaya need niyang mag-quarantine.
“Positive po ako sa COVID. Sobrang hindi ako makapaniwala. 'Di ko matanggap na wala akong nararamdaman, asymptomatic ako.
“Ang hindi ko pa matanggap kasi for the five days na nag-isolate kami, may roommate po ako and 'yung roommate ko, nag-negative siya. Then ako, nag-positive,” kuwento ni Marco.
Ipinakita niya sa video post na negatibo siya sa saliva antigen test at RT-PCR.
“It turns out to be negative po ulit. Sobrang naguguluhan ako talaga. Pero just to be safe, para sa mga bata, para kay Lara, para sa ibang tao, I will complete my isolation here,” sambit ng aktor.
Miss na miss na nito ang mag-iina niya kaya’t looking forward siya na makauwi na soon.





Comments