top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mister, 'di raw gumagastos sa bahay… P6 MILYONG IPON NI KYLIE, NAUBOS KAY ALJUR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 24, 2021
  • 2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 24, 2021





So, may bago palang movie si Aljur Abrenica na ipapalabas soon.


Ito kaya ang dahilan ng kanyang 'pag-iingay' nang i-post niya ang matinding rebelasyon laban sa kanyang misis na si Kylie Padilla na inakusahan niyang unang nangaliwa kaya nasira ang kanilang pamilya?


Well, sana lang, hindi ito ang nagtulak kay Aljur, ha, para magsalita laban kay Kylie dahil for sure, lalo siyang magiging nega sa mata ng mga netizens at sasabihin pang to the height ng ka-cheap-an na siraan niya ang nakahiwalay na asawa para lang mapag-usapan siya at ang kanyang bagong movie.


Samantala, marami na ang nag-aabang sa gagawing tell-all interview ni Kylie sa Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Linggo nang gabi.


Isa kaya sa mga nasagot ni Kylie ang nabanggit ni kapatid na Ogie Diaz sa kanyang YouTube vlog na diumano, may common friend sila ni Kylie ang nakapagkuwento sa kanya na naubos daw ang P6 million savings ng anak ni Robin Padilla dahil hindi nakakapagbigay si Aljur ng panggastos sa bahay nila.


Kumbaga, napilitan daw si Kylie na bumunot at maglabas ng pera para may panggastos sila sa araw-araw.


Eh, teka lang, 'di ba't may mga ginawa namang pelikula si Aljur kahit paano habang may pandemic? Hindi naman siya totally nawalan ng kayod para hindi makapagbigay kay Kylie.


Unless, sobrang laki siguro ng mga gastusin nila sa bahay o bongga ang kanilang lifestyle kaya 'di nagkakasya ang kinikita ni Aljur, devah?


Meanwhile, walang dapat ikagalit si Kylie sa mga manunulat at reporter na pumatol sa issue nila ng kanyang nakahiwalay na mister.


Dahil after all, kung hindi naman nagsalita si Robin Padilla noon na hiwalay na sila ni Aljur at kung hindi rin nagpasabog ngayon ang kanyang mister, eh, walang pagpipiyestahan ang mga Marites (read: chismosa).


One plus one equals Megallan lang 'yan! Char!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page