MICHAEL V., PALIT KAY DANIEL BILANG ENDORSER
ni Nitz Miralles @Bida | February 13, 2024

Positive ang pagtanggap ng mga may account sa BPI kay Michael V. na bagong advocate ng "Mas Magandang Bukas" campaign ng bank dedicated sa mga OFWs.
May mga hindi BPI ang bank account pero dahil si Bitoy na ang endorser at nagandahan sa TVC, mag-o-open na raw sila ng account sa nasabing bank.
Maganda ang TVC ng BPI na ine-endorse ni Bitoy dahil makikita siya sa iba’t ibang characters na iba sa mga karakter na ginagawa niya sa Bubble Gang.
Mga karakter ng mga trabaho ng Pinoy OFWs ang kanyang binigyan ng tribute at siya pa ang kumanta ng jingle. Baka nga siya pa ang nag-compose ng song.
Ang sabi, si Bitoy ang ipinalit kay Daniel Padilla na dating ambassador ng BPI for OFWs at sa kanilang pamilya. Totoo man ito o hindi, proud si Bitoy na maging part ng BPI Family.





Comments