Mga tao ni PBBM sa DPWH, hirit nang hirit ng budget pero baha ‘di masolb!
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | September 1, 2026

MATAPOS BAHAIN ANG LUZON, DAPAT MAGPAKABAYANI NA SI ZALDY CO, UMUWI SIYA NG ‘PINAS AT 'ITUGA' ANG PINAKA-MASTERMIND SA FLOOD CONTROL SCANDAL – Matapos bahain ang malaking bahagi ng Luzon dulot ng Habagat, ipinagdiwang naman kahapon sa buong bansa ang National Heroes Day.
Batid natin na kahit nasa ibang bansa si dating Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy “Zaldy” Co, na nahaharap sa mga kasong may kaugnayan sa umano’y anomalya sa flood control projects, ay tiyak na namomonitor at alam niyang nilubog ng baha ang malaking bahagi ng Luzon.
Ang nais nating ipunto rito ay sana magpakabayani na si Zaldy Co. Umuwi na siya sa Pilipinas, humingi ng tawad sa mga Pilipino, isauli sa kaban ng bayan ang anumang mapatutunayang nakuhang bahagi niya sa umano’y kickback sa flood control projects at, higit sa lahat, “ituga” niya kung sino ang tunay na mastermind sa flood control scandal. Period!
XXX
KAPALMUKS MGA TAGA-DPWH KASI HINDI NAMAN NILA NASOSOLUSYONAN ANG BAHA, HINGI PA NANG HINGI NG DAGDAG-BUDGET – Ngayong 2026, ang budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay P530.90 bilyon, pero para sa 2027, iminungkahi na itong itaas sa P643.95 bilyon. Ibig sabihin, madaragdagan ito ng P113.05 bilyon, o 21.29 porsyento.
At ang matindi, bukod sa P113.05 bilyong dagdag sa panukalang budget, may mga panawagan pa para sa karagdagang pondo para sa DPWH habang pinag-aaralan ng Kongreso ang 2027 budget.
Ganyan kakapal ang mukha ng mga tao ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa DPWH—hirit nang hirit ng dagdag-budget, pero hanggang ngayon, nananatiling malaking problema ang baha sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao. Mga pwe!
XXX
MALI NA ISISI NI BSP GOV. REMOLONA SA MAMAMAYAN ANG KAPALPAKAN NG MARCOS ADMIN SA PAGHINA NG PISO KONTRA-DOLYAR – Isinisi ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Gov. Eli M. Remolona Jr. sa umano’y pagiging gastador ng mga mamamayan ang paghina ng piso kontra dolyar.
Kita n’yo itong opisyal ng BSP na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tila ipinapasa sa mamamayan ang sisi sa paghina ng piso kontra dolyar.
Eh sa totoo lang, hindi makatarungan na basta na lamang tawaging gastador ang mga Pilipino. Paano magiging gastador ang karamihan sa ating mga kababayan kung marami sa kanila ang naghihirap, kapos sa pera at nag-aalala pa kung saan kukuha ng
pambili ng pagkain?
Sa halip na sisihin ang karaniwang mamamayan, mas dapat pagtuunan ng pansin ang mga tunay na salik na nakaaapekto sa halaga ng piso at ang mga hakbang na maaaring gawin upang mapatatag ito. Tsk!
XXX
RAKET NA STL-BOOKIES NG 2 POLITICIANS, NON-STOP PA RIN SA ALBAY – Hindi nagpakita ng takot kay newly appointed PNP Region 5 Director Brig. Gen. Randy Glenn Silvio ang dalawang pulitiko—ang isa ay loyalist politician at ang isa naman ay dilawan politician—na sinasabing magkasosyo sa illegal STL bookies sa Albay.
Nasabi natin na kaya hindi sila nagpakita ng takot ay dahil, sa kabila ng pagdeklara ni Gen. Silvio ng “giyera” laban sa mga ilegalista sa buong Bicol Region, hindi pa rin itinigil ng dalawang politikong ito ang kanilang raket sa Albay. Period!





Comments