top of page
BULGARY - VINCENT CO, TODO-IWAS SA MEDIA-FB Caesar Vallejos.jpeg

Mga sangkot sa flood control scandal, kabado na naman dahil sa muling pagbaha at pagbuhos ng ulan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 7 hours ago
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 17, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


ILANG ARAW PA LANG MULA NANG MAGING SP SI CAYETANO, PLANO NA SIYANG IKUDETA, PATALSIKIN SA PUWESTO – Wala pang isang linggo sa panunungkulan ni Senate President Alan Cayetano, may mga usap-usapan na agad na bukas, May 18 (Lunes), ay may planong pagpapalit sa kanya bilang lider ng Senado, at si Sen. Migs Zubiri ang sinasabing posibleng pumalit.


Dahil dito, muling lumilitaw ang isyu ng umano’y agawan sa kapangyarihan sa Senado, na sinasabing nakaaapekto sa bilis ng pagpasa ng mga batas. Habang binubusisi pa lamang ni SP Cayetano ang mga panukalang dapat unahin para sa kapakanan ng publiko, may mga haka-haka na agad tungkol sa kanyang posibleng pag-alis sa puwesto.

Giit ng ilan, nakababahala ang ganitong sitwasyon kung saan tila mas nauuna pa ang pulitika kaysa sa agarang pagtugon sa mga pangangailangan ng mamamayan. Tsk!


XXX 


SA HARAPAN SA KAMARA NINA CONG. ROMUALDEZ AT 2 PGMN VLOGGERS, DAPAT NAKA-LIVE STREAMING ITO PARA MAKITA NG PUBLIKO KUNG SINO ANG NAGSISINUNGALING – May plano ang Kamara na imbestigahan sina vloggers Franco Mabanta at CJ Hirro ng online Peanut Gallery Media Network (PGMN) kaugnay ng alegasyong pangingikil ng P350 milyon kay Leyte 1st District Rep. at dating Speaker Martin Romualdez, kapalit umano ng hindi pagbubunyag sa isyu ng multi-billion flood control projects scam na kinasasangkutan ng dating pinuno ng House of Representatives. Itinanggi naman ng dalawang vlogger ang paratang.


Hinihiling na maging bukas sa publiko ang imbestigasyon, kabilang ang posibilidad ng live streaming, upang masuri nang mabuti ng taumbayan ang mga pahayag ng magkabilang panig at matukoy kung sino ang nagsasabi ng totoo. Abangan!


XXX


SA PAGBUHOS NG ULAN AT NAGKABAHA ULI, KINABAHAN NA NAMAN ANG MGA SANGKOT SA FLOOD CONTROL SCANDAL – Bumuhos ang malakas na ulan kamakalawa ng gabi hanggang madaling-araw kahapon na nagdulot ng pagbaha sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.


Dahil dito, muling naapektuhan ang maraming komunidad at muling umigting ang mga usapin tungkol sa kahandaan ng mga flood control system sa bansa. Kasabay nito, muling nabuhay ang mga paratang at kontrobersiya kaugnay ng umano’y iregularidad sa ilang flood control projects, na patuloy na kinukuwestiyon ng publiko sa tuwing may malawakang pagbaha. Boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page