top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mga puyat na Warriors, sinamantala ng Mavericks

BULGAR
Apr 29, 2021
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | April 29, 2021




Nahuli ng bisitang Dallas Mavericks na natutulog ang Golden State Warriors upang maukit ang kumbinsidong 133-103 panalo kahapon sa Chase Center. Hindi nakapuntos ang Warriors sa huling 8:40 ng first quarter at ginamit itong pagkakataon ng Mavs na bumuhos ng 25 sunod-sunod na puntos para sa 36-12 na lamang at madali silang umakyat sa 34-27 panalo-talo at ika-anim na puwesto sa Western Conference.

Umabot ng 43 ang lamang, 111-68, at walang nakapigil kay Luka Doncic na nagsabog ng 39 puntos sa 28 minuto at sinuportahan siya nina Tim Hardaway Jr., Dorian Finney-Smith at Nicolo Melli na nag-ambag ng tig-13 puntos. Pumantay ang kartada ng Warriors sa 31-31 at kumapit sa ika-10 puwesto.

Bilang bagong patakaran ngayong taon, ang unang anim na koponan sa bawat conference ay siguradong pasok sa playoffs ngayong Mayo habang ang ika-pito hanggang ika-10 ay daraan muna sa isang Play-In Tournament. Magtatapat ang #7 at #8 para sa ika-7 puwesto at ang matatalo ay lalabanan ang mananalo sa pagitan ng #9 at #10 para sa ika-walo at huling puwesto.

Dinagdagan ng Brooklyn Nets ang lamang sa buong Eastern Conference matapos magwagi sa Toronto Raptors, 116-103. Pitong Net ang nagtala ng 10 o higit pang puntos sa pamumuno ni Jeff Green na may 22 puntos patungo sa kartadang 42-20.

Pasok na ang Milwaukee Bucks sa playoffs matapos patumbahin ang Charlotte Hornets, 114-104, para sa kanilang ika-38 tagumpay sa 61 na laro. Binuhat ni MVP Giannis Antetokounmpo ang Bucks sa 29 puntos at tinulungan ni sentro Brook Lopez na may 22 puntos.


Winakasan ng Portland Trail Blazers ang limang sunod-sunod na talo at tinambakan ang Indiana Pacers, 133-112, at manatili sa ika-7 puwesto sa West. Nanguna si 2021 NBA Slam Dunk champion Anfernee Simons sa 27 puntos sa 24 minuto at sinundan ni Damian Lillard na may 23 puntos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page