top of page
TEKA NGA - SEN. ROBIN, NANINIWALANG ‘DI NA KAILANGAN NI DANIEL NG KA-LOVE TEAM-IG _robinpa

Mga politicians, binash ang announcement ni VP Sara for president, Mayor Leni Robredo, nirespeto ang anak ni FPRRD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 23
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | February 23, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


SANA LAHAT NG PULITIKO AY TULAD NI MAYOR LENI ROBREDO NA MARUNONG RUMESPETO SA ANNOUNCEMENT NI VP SARA FOR PRESIDENT SA 2028 ELECTION – Nang tanungin si Naga City Mayor at dating Vice President Leni Robredo tungkol sa pagdedeklara ni Vice President Sara Duterte na tatakbo bilang presidente sa 2028, sinabi ng mayor na karapatan naman ng kahit sino ang magpahayag ng kanilang kandidatura at nararapat itong igalang.


Sana’y gayon din ang ugali ng lahat ng pulitiko—na may respeto sa kapwa—hindi tulad ng iba na todo-bash ang ginawa kay VP Sara matapos nitong ianunsyo ang kanyang kandidatura. Period!


XXX


VP SARA, NA-BASH SA STATEMENT NIYA NA LAST YEAR PA SIYA NAGRE-RECRUIT NG KANYANG MAGIGING VP SA 2028 ELECTION – Sa isang panayam ng Sonshine Media Network, sinabi ni VP Sara Duterte na noong nakaraang taon ay may nire-recruit siyang magiging ka-tandem niya sa 2028 presidential election. Sa ngayon, ayon sa kanya, hindi pa raw nakapagdesisyon ang naturang tao kaya hindi pa niya puwedeng isapubliko ang pangalan nito.


Dahil dito, muli siyang nakatanggap ng pambabash mula sa netizens sa social media. Marami ang nagtaka at bumatikos dahil lumalabas na simula pa noong nakaraang taon ay naghahanda na siya para sa kanyang kandidatura, kahit napakalayo pa ng 2028 presidential election. Ayon sa ilang netizens, habang abala ang ibang posibleng kandidato sa serbisyo sa bayan at mamamayan, nakatutok naman siya sa pangarap niyang maging presidente ng Pilipinas sa 2028. Boom!


XXX


TAMA ANG GINAWA NI MAYOR VICO SOTTO NA KASUHAN SI SARAH DISCAYA KAHIT NATALO NA NIYA  ITO – Tama ang ginawa ni Pasig City Mayor Vico Sotto na sampahan ng kaso si Sarah Discaya, ang kanyang kalaban sa pulitika, dahil sa umano’y paglabag sa Comelec Code. Ayon sa ulat, gumasta si Discaya ng milyun-milyong piso sa eleksyon, pero ang idineklara sa Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ay wala pang isang milyon, na malinaw na pagsisinungaling sa Comelec.


Ginawa ni Mayor Vico ang hakbang na ito upang hindi tularan ng ibang pulitiko ang labis na paggastos sa halalan, na lumalampas sa itinakdang limitasyon ng Comelec para sa mga lokal na kandidato. Period! 


XXX


TULAD NI CONG. ABANTE, TAKLESA RIN DAW PALA ANG ANAK NIYANG SI ATTY. PRINCESS ABANTE – Hindi nagustuhan ni Atty. Princess Abante ang mga atake ni Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte sa kanyang ama na si Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante. Bilang tugon, sinabihan niya si Cong. Duterte na mas mabuting pumasok muna sa Kamara at huwag palaging absent. Idinagdag niya na umaasa lamang si Duterte sa apelyido upang manalo sa eleksyon, at kung hindi siya anak ni “Tatay Digs,” kahit barangay kagawad ay hindi siya mananalo.


Si Cong. Abante ay kilalang taklesa sa Kamara, at sa pahayag ng anak niyang si Atty. Princess, nalaman na ngayon ng publiko ang kanilang reputasyon. Boom!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page