top of page
Robin Padilla at BB - FB - 1.jpg

Mga political dynasty at contractors, oras na para masibak sa mga partylist

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 1 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | June 28, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


TALAMAK PA RIN ANG KATIWALIAN SA MARCOS ADMIN KAYA MAY MGA NAGLULUNSAD NG ANTI-CORRUPTION RALLY – Ngayong araw, magsasagawa ng anti-corruption rally ang iba't ibang sektor ng lipunan sa Edsa Shrine sa Quezon City.


Ibig sabihin niyan, ang pinakabuod ng protestang ito ay ang matinding panawagan laban sa katiwalian, dahil para sa kanila ay talamak na ang korupsiyon sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Boom!


XXX


DAPAT IPAGBAWAL NA SA MGA MENOR-DE-EDAD ANG PUMASOK SA MGA SHOOTING RANGE – May mga mambabatas na nagpaplanong magsulong ng panukalang batas na magbabawal sa mga menor-de-edad na pumasok sa mga shooting range para magpraktis ng pagpapaputok ng baril.


Dapat maisulong agad ang panukalang batas na iyan upang maiwasan at hindi na maulit ang ginawa ng 14-anyos na estudyante na, matapos turuang magpaputok ng baril ng tiyahin niyang pulis, ay kinuha ang baril nito at namaril ng mga kapwa niya estudyante sa San Juan National High School sa Tacloban City. Tsk!


XXX


DAPAT MAISABATAS NA AGAD ANG PAGBABAWAL SA MGA POLITICAL DYNASTY AT CONTRACTORS NA MAGING NOMINADO SA MGA PARTYLIST – Isinulong ni Speaker Bojie Dy ang panukalang batas na nagbabawal sa mga political dynasty at contractors na maging nominado sa mga partylist.


Sana, bago sumapit ang 2028 elections, ay maipasa na ang batas na ito para matapos na ang happy days ng mga partylist representative na nagmumula sa mga political dynasty at ng mga contractor na nakaupo sa Kamara. Period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
LOTTO RESULTS  SUNDAY,  JUNE 28, 2026  JACKPOT PRIZE*

Ultra Lotto 6/58  : 46-56-08-01-03-05 ₱ 128,000,000.00
Super Lotto 6/49 : 32-01-35-23-14-29 ₱ 46,214,516.39
3D Lotto 2 PM      : 3-26-                         ₱ 4,500.00
3D Lotto 5 PM      : 0-1-7-                        ₱ 4,500.00
3D Lotto 9 PM      : 
7-7-0-                        ₱ 4,500.00



*Jackpot amount may change depeding on actual sales.      View All Results >
bottom of page