Mga plunderer at kurakot kaya ibinoboto ‘Pinas pang-62 sa most corrupt country sa mundo
- BULGAR
- 3 hours ago
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | August 2, 2025

MGA PLUNDERER AT KURAKOT, IBINOBOTO NG MGA BOBOTANTE SA HALALAN KAYA ‘PINAS PANG-62 SA MOST CORRUPT COUNTRY SA MUNDO -- Sa inilabas na data ng Transparency International patungkol sa Corruption Perception Index ngayong year 2025, number 1 ang Denmark sa Good Governance, at ang Pilipinas naman ay pang-62 sa mga most corrupt country sa mundo.
Hindi naman talaga kataka-taka na makabilang ang ‘Pinas sa mga most corrupt country dahil majority ng mga mamamayan sa bansa ay mga bobotante, na ang laging ibinoboto ay mga plunderer o mga kurakot, boom!
XXX
KAPAG PINIRMAHAN ANG POSTPONEMENT SA BSKE 2025 MALAMANG I-STRIKE 2 NG SC SI PBBM SA KAPALPAKAN -- Inanunsyo ni Sec. Jonvic Remulla ng Dept. of the Interior and Local Gov’t. (DILG) na posibleng lagdaan daw ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ang panukalang batas ng Kongreso na nagpapaliban sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Dec. 1, 2025, at sa halip ang halalang pambarangay ay sa Nov. 2026.
Kung totoo ngang pipirmahan ito ni PBBM ay malamang i-strike 2 ng Supreme Court (SC) sa kapalpakan ang Presidente dahil ang linaw na ng naging desisyon ng SC noong June 27, 2023 na bawal ipinagpapaliban ang anumang halalan sa ‘Pinas, tapos tigas-ulong pipirmahan niya (PBBM) ang postponement ng BSKE 2025, tsk!
XXX
AYAW PALA NI FPRRD MAGKAROON NG ABOGADONG PUGANTE AT WANTED SA BATAS KAYA TABLADO SA KANYANG DEFENSE TEAM SA ICC SI HARRY ROQUE -- Ang ipinunto ni Atty. Nicholas Kaufman, head ng legal team ni former Pres. Rodrigo Roa Duterte (FPRRD) na kaya raw umayaw ang ex-president na maging bahagi ng defense team si former presidential spokesman Atty. Harry Roque ay dahil pugante raw ito sa Pilipinas na may kinakaharap na kasong no bail na qualified trafficking in person, na ayon daw sa dating pangulo ay baka masira ang kredibilidad ng kanyang mga abogado kung ang isa sa mga lawyer na nagtatanggol sa kanya sa International Criminal Court (ICC) ay wanted sa batas ng ‘Pinas.
Abogado rin si FPRRD kaya alam niyang makakaapekto talaga sa kanyang kinakaharap na kaso kung ang isa sa abogadong nagtatanggol sa kanya sa ICC ay wanted at pugante sa batas ng Philippines, boom!
XXX
DOH SEC. SABIT SA ANOMALYA KAYA KUNG MAY DELICADEZA SA SARILI DAPAT MAG-RESIGN NA, NOW NA! -- Sinampahan ng iba’t ibang health advocates organization ng kasong graft sa Office of the Ombudsman si Sec. Ted Herbosa ng Dept. of Health (DOH) at lima pang DOH officials dahil daw sa maanomalyang pagbili ng mental health drugs na worth P44.6 million.
Bad tingnan na ang namumuno sa departamentong pangkalusugan ng mga Pinoy ay nasasangkot sa katiwalian, kaya kung may delicadeza si Sec. Herbosa, dapat mag-resign na siya, now na, period!