Ex-Sen. Bong kusang sumuko, 'yung iba tago nang tago
- BULGAR

- 1 hour ago
- 2 min read
ni Ka Ambo @Bistado | January 21, 2026

Balik-karsel si ex-Sen. Bong Revilla.
Hindi siya hina-hunting ng mga parak, sumuko siya.
Palakpakan!
-----$$$--
Nagtatago naman ang bruskong pusakal na sugarol na si Atong Ang.
Wala siyang balak na sumuko.
Talagang magtatago siya.
-----$$$--
Nakapagtataka naman ang marami, nagtatago pa rin si Sen. Bato dela Rosa.
Ayaw niyang samahan sa ICC ang kanyang pinakamamahal na bossing!
----$$$--
May nagsasabi na hindi magtatagal, makukulong din si Sen. Jinggoy Estrada.
Pero, kumporme ‘yan sa DOJ.
----$$$--
DESIDIDO si US President Donald Trump na bilhin ang Greenland.
Plano niya na magtinda doon ng “halo-halo with leche flan de ube.”
-----$$$--
IMBES na kaibiganin ni Trump ang dating BFF na NATO, hinahamon niya pa ang mga ito.
Malinaw na walang “totoong kaibigan”.
-----$$$--
ISANG aral ito sa Pilipinas, hindi puwedeng ituring na kaibigan ang United States.
Baka bandang huli, pati Pilipinas ay kanyang bilhin.
----$$$--
KAHIT ang Canada ay namemeligro, gagawin na ring Estado ng US ito.
Kumbaga, ang mga Canadians ay maging Kano at Kana!
-----$$$--
SA aktuwal, matapos sakupin ng US ang Afghanistan, Iraq at Libya, nakubkob na rin nito ang Venezuela.
Walang makakapigil sa United States na sakupin na rin ang Greenland at Canada.
-----$$$--
ISANG babala ito sa Russia at China.
Hindi plastik at bolero si Trump—siya ay si “Totoo.”
Kapag sinabing kukunin ka ay talagang kukunin ka. Ha-ha-ha!
-----$$$--
LINGID sa kaalaman ng marami, puwedeng sorpresang “dambungin” ni Trump ang mismong ICC.
Labag sa ICC ang postura ni Trump.
Hindi magtatagal, “makakatikim” din ang The Hague.
-----$$$--
SIKAT na sikat ang dalawang batang kongresista na sina Kiko Barzaga at Leandro Leviste.
Walang duda, magaan silang magiging senador sa hinaharap!
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.








Comments