Bong, nasampulan sa flood scam, Jinggoy, Joel at Chiz, tiyak kabado na
- BULGAR

- 1 hour ago
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | January 21, 2026

NO BAIL ANG KASO NI EX-SEN. BONG REVILLA NA POSIBLENG MABULOK SIYA SA KULUNGAN TAPOS INOKRAY PA SIYA NI USEC. CASTRO – Maituturing na pang-ookray kay dating Sen. Bong Revilla ang pahayag ni Presidential Communications Office (PCO) spokesperson Usec. Claire Castro na sinasabing magandang gesture ang pagsunod ng senador sa batas nang sumuko siya sa Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame kaugnay ng mga kasong no bail na malversation of public funds at falsification of public documents na may kinalaman sa flood control projects scam.
Hindi dapat inilabas ang ganitong pahayag ni Usec. Castro, na tila nagpupuri kay ex-Sen. Revilla sa kabila ng seryosong mga kaso laban sa kanya. Ang mga kasong ito ay hindi biro—ito ay mga nakakahiyang kaso na may kinalaman sa pandaraya sa kaban ng bayan. Sa kabila ng nangyayari sa dating senador, nagawa pa rin siyang “okrayin” ng spokesperson ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Boom!
XXX
MATAPOS MAKULONG SI EX-SEN. REVILLA, HINDI MAN AMININ, TIYAK NA KINAKABAHAN NA SINA SENATORS JINGGOY, JOEL AT CHIZ – Hindi man aminin, tiyak kakaba-kaba sina Senators Jinggoy Estrada, Joel Villanueva, at dating Senate President Chiz Escudero. Kabilang sila sa mga politiko na iniuugnay sa flood control scandal.
Dahil nasampolan na si ex-Sen. Bong Revilla at naaresto sa kasong malversation of public funds at falsification of public documents, kapag sinampahan na rin sila ng Ombudsman at Department of Justice (DOJ) ng parehong uri ng kaso sa Sandiganbayan, susunod ang warrant of arrest at posibleng makulong din sila. Abangan!
XXX
BASH ANG INABOT SA SOCIAL MEDIA NI CONG. KIKO BARZAGA KASI NAGTAPANG-TAPANGAN SA PAG-ATAKE KAY BILLIONAIRE ENRIQUE RAZON AT NANG PATULAN, TUMIKLOP – Pinuputakti ngayon ng netizens sa social media si suspended Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga. Matapos siyang magtapang sa kanyang atake kay billionaire Enrique Razon, na tinawag niyang corrupt at evil, sinampahan siya ni Razon ng kasong cyber libel na may danyos na P100 milyon. Tumiklop ang kongresista, nag-public apology, at sinabi pa rin niyang gusto niyang makaharap si Razon para personal na humingi ng paumanhin.
Maba-bash si Cong. Kiko dahil nag-aastang matapang, pero kapag tinutulan, agad na tumiklop. Boom!
XXX
MAYOR BIAZON, 'NGANGA' LANG DAW SA MGA RAKET SA MUNTINLUPA CITY, KAYA ‘PAG NAPAHULI NI VICE MAYOR PANIE TEVES ANG MGA ILEGALISTA AT MAPA-STOP ANG MGA PASUGALAN, BAKA SIYA NA ANG MAGING NEXT MAYOR SA 2028 – Dahil tila wala raw aksyon si Mayor Ruffy Biazon at city chief of police Col. Robert Domingo sa raket ng Small-Town Lottery (STL)-con jueteng, bookies, at lotteng nina "Touche" at "Jojo," pati na rin sa mga saklaan ni "Walter" sa Muntinlupa City, marahil si City Vice Mayor Panie Teves na raw ang dapat kumilos.
Isa umano sa puwedeng gawin ni VM Teves ay hilingin kay Brig. Gen. Randy Arceo, director ng Southern Police District (SPD), na hulihin ang mga ilegalista at ipatigil ang mga raket ng STL-con jueteng, bookies, lotteng, at sakla sa lungsod. Kapag nagawa niya ito, mas lalo siyang makikilala at mapapamahal sa constituents, at malaki ang tsansa niya na maging susunod na mayor ng Muntinlupa City sa 2028 election. Period!








Comments