top of page
WINNER - MOCHA, NAGSALITA NA SA KALAT NANG NABUNTIS NI SEN. ROBIN-IG _mochauson & _robinpa

Mga nasamsam na ilegal na yosi, imbes sirain, inililipat lang?!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 8 hours ago
  • 2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | September 8, 2026



Bistado ni Ka Ambo


Nahihigop na naman ni VP Sara ang atensiyon ng publiko.

Salamat sa mga kalaban niya sa pulitika.

Ang bad publicity, ay publisidad pa rin!


-----$$$--

Napansin ng kanyang mga kritiko na mistulang nagdadrama ang anak ni Digong.

Mana sa ama!

Isang komedyante at isang dramatista.


-----$$$--

Sa gitna ng alingasngas sa pulitika, may mga natatagong lihim naman ang mga pusakal na ismagler sa Aduana.

May lihim na kuwento pala sa likod ng kontrobersyal na pag-raid ng mga epektos sa isang warehouse sa Sta. Maria, Bulacan kamakailan.


----$$$-

Batay ito sa isang memo para kay BOC Commissioner Ariel Nepomuceno ng isang customs investigator.

Mismong mga tauhan pala ng Customs Police-Enforcement Security Service ang may reklamo hindi lamang sa ginawa ng HPG Metro Manila kundi laban din sa mga kasamahan nito sa ahensya. 

Kakaiba ‘yan, ah!


-----$$$--

Ibinisto umano ng mga ESS Special Agents na isang  Special Agent Lucky Dyoy at Technical Support  Alyas Aleks ay nanghimasok umano sa condemnation activity.

Pinalilipat umano ng lugar ang mga ilegal na yosi imbes na sirain. 


----$$$--

SINABI umano ng isa sa mga agent na “okey na ‘yan sa mga boss n’yo”.

Sinuportahan naman ito ng ikalawa na nagsabi naman na “nakatimbre na ito sa tinutukoy niyang commander”.


-----$$$--

Sabagay, ang dalawang ito ay sinampahan ng kaso ng PNP-HPG sa korte ng Malolos City noong Agosto 28 .

Sa sinumpaang salaysay, positibong tinukoy ng naarestong middleman na si Alyas Hesus, ang dalawang BOC personnel na tumanggap umano ng “langis”.


-----$$$--

SINASABI sa report na si alyas Lucky Dyoy lamang ang may valid Mission Order para i-monitor at i-verify ang condemnation activity.

Pero kinukuwestiyon ng ilan kung bakit nandoon sa warehouse si alyas Aleks. 


----$$$--

HABANG tumatagal, tipong tinitiyani-tiyani ang paglalabas ng impormasyon hinggil sa alingasngas na ito sa Aduana.

Dati-rati ay may magkaibang naratibo ang PNP-HPG at BOC, pero nababago na ang iskrip.


-----$$$--

NGAYON, tila nagbago na ang ihip ng hangin dahil  tinutumbok ang mga kabulastugan ng dalawang bida.

May nagtatanong sa Row 4: 

Nilaglag na kaya ng BOC ang kanilang tauhan para protektahan ang isang mataas na opisyal? 

He-he-he!


-----$$$--

MAY “nilalabhan” kaya?

Kaawa-awa naman ang dalawang kolokoy kung sila ang isinasakripisyong “tupa” sa apoy ni “Abraham”!


-----$$$--

GAYUNMAN, may hiwalay na internal investigation na ang kapulisan at BOC hinggil dito upang lumitaw ang katotohanan.

Mas mainam ay pumagitna na ang Malacañang para hindi magkaletse-letse ang sitwasyon.


----$$$--

ANO kaya ang masasabi ng mga kongresista at senador?

Eh, si Ombudsman Boying, kumusta kaya?


----$$$--

TEKA, masyadong abala si Super Boying.

Kaliwa’t kanan ang pagsasampa ng kaso.

Hindi kaya sorpresang maging mahistrado siya sa Korte Suprema.

Huh, malayo pa ang 2028—baka sakali.

Anong malay mo?




Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page