top of page
Rico Blanco at mystery girl - Circulated

Mga mahihirap na Pinoy, dismayado sa pag-alis kay Sen. Bong Go sa Health Committee

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | June 8, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


VP SARA, SURE WIN KAHIT HINDI MANGAMPANYA SA 2028 PRESIDENTIAL ELECTION KUNG SI SEN. RISA LANG ANG KANYANG MAKAKALABAN — Kung si Sen. Risa Hontiveros lang ang makakalaban ni Vice President Sara Duterte sa 2028 presidential election, tiyak na matutuwa si VP Sara.


Sa taas kasi ng kanyang rating na 51%, malayo ito sa 3% na rating ni Sen. Risa. Kaya naman, sa kasalukuyang mga numero, mistulang napakalaki ng lamang ni VP Sara. Boom!


XXX


DAPAT IMBESTIGAHAN NG OMBUDSMAN ANG ‘PASABOG’ NG 18 EX-MARINES VS. PBBM AT CONG. SANDRO — Kabilang sa matinding “pasabog” ng 18 ex-marines ang alegasyon nilang nagdeliber sila ng maleta-maleta umanong pera para kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM). Ayon sa kanila, dinala umano ito sa bahay ng pamilya Marcos sa Ilocos Norte at si presidential son at Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos ang tumanggap.


Hindi dapat balewalain ng Office of the Ombudsman ang alegasyong ito dahil mismong si PBBM ang pinangalanan ng 18 ex-marines. Ang punto natin, dapat itong imbestigahan ni Ombudsman Boying Remulla. Period!


XXX


MGA PINOY, NAGALIT KAY SEN. RISA NANG AGAWIN ULI KAY SEN. BONG GO ANG CHAIRMANSHIP SA SENATE COMMITTEE ON HEALTH — Hindi lang mga Kakampink ang nagalit kay Sen. Risa Hontiveros dahil sa maagang pag-eendorso sa kanya ng Akbayan at Magdalo, kundi maging ang ilang masang Pilipino na nakinabang sa mga healthcare program ni Sen. Bong Go.


Ang dahilan ng kanilang pagkadismaya ay ang muling pag-alis kay Sen. Bong Go bilang chairperson ng Senate Committee on Health. Matapos itong ibalik sa kanya ng Cayetano bloc noong Mayo 21, 2026, inalis naman ito ng Gatchalian majority bloc noong Hunyo 3, 2026 at muling ibinigay kay Sen. Risa.


May punto ang mga nagagalit dahil kilala si Sen. Bong Go sa pagtutok sa mga panukala at programang pangkalusugan para sa mahihirap na kababayan. Kaya para sa kanila, nakapanghihinayang na maalis muli sa kanya ang pamumuno sa Senate Committee on Health at maipasa ito kay Sen. Risa. Tsk!


XXX


SA AGAWAN NG POWER SA SENADO, HINDI LANG MGA SENADOR ANG NAGBABANGAYAN, KUNDI PATI MGA LAWYERS — Kinontra ng mga abogado sa Cebu, sa pangunguna ni Cebu City Councilor Atty. Mikel Rama, ang pahayag ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) na “lawful” at “valid” umano ang pag-agaw ng Gatchalian bloc sa kapangyarihan sa Senado batay sa 1949 Avelino vs. Cuenco doctrine.


Ayon sa IBP, 22 na lamang ang aktibong senador sa kasalukuyan dahil nagtatago umano si Sen. Ronald Dela Rosa matapos maisyuhan ng warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC), habang nakakulong naman si Sen. Jinggoy Estrada kaugnay ng kasong plunder na may kaugnayan sa flood control scandal. Ngunit giit ng mga abogado sa Cebu, 24 pa rin ang tunay na bilang ng mga senador sa bansa, kaya’t “unlawful” at “invalid” ang naganap na agawan ng posisyon sa Senado.


Dahil dito, hindi na lamang mga senador ang nagbabangayan sa isyung ito, kundi pati mga abogado. Boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page