top of page
WINNER - VILMA, GAME MAKASAMA SI VICE, ‘WAG LANG GAWING KATAWA-TAWA-Vilma Santos-Recto IG

Mga lider, makabayan sa salita, kabaliktaran sa gawa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 8 hours ago
  • 2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | July 21, 2026



Bistado ni Ka Ambo


Parang engot ang mainstream at social media sa Pilipinas.

Pinade-delete sa China ang caricature na naglalarawan na isang “unggoy” ang mga Pinoy, pero ikinakalat mismo at ginagamit ng mga bopol na Pilipino media ang aktuwal na larawan.

Hindi ba’t isang malaking kalokohan ‘yan ng mga Pilipino?


----$$$--

Kung pinade-delete ang isang larawan dahil nakakasuka ang mensahe, bakit mo isine-share at minu-multiplicate ang mismong “caricature”?

Isang kahangalan, pagkukunwari at katangahan ang ginagawa ng Philippine mainstream at social media personalities!


----$$$--

Ang mas tumpak na gawin ay dedmahin ang naturang larawan o mismong ulat—at huwag ilagay sa front page.

Mas mainam—huwag pansinin at i-delete o i-block ang alinmang account o platform na nagkakalat nito—kasama ang mga hambog ng Philippine media entities.


----$$$--

MATAGAL nang pinagdududahan ang kredibilidad, reputasyon ng Philippine media kasama ang ilang social media account—dahil sa kawalan ng “wisdom” o talino.

Pinakamabigat, walang yinayakap na “ideolohiyang maka-Pilipino” ang mainstream media at social media personalities.


----$$$--

HANGAD lamang ng mga kolokoy ay “advertisement, number of views at engagement.”

Ang mga kumag na ito ay siyang umaakto at umaangkin na may awtoridad kung ano ang kahulugan ng fake news.


----$$$--

ANG fake news na inilalarawan ng mga kumag ay nagmumula mismo sa mga dambuhalang media network na kinokontrol ng mga oligarko, PR group at mga dummy.

Kumbaga, ang bayabas ay magbubunga ng bayabas; ang mangga ay magbubunga ng mangga.

Ang mga pekeng korporasyon, kumpanya at entidad—ay magbubunga ng pekeng content at impormasyon!


-----$$$--

KAAWA-AWA ang mga kabataan ngayon, mabubuhay sila sa isang palsipikadong lipunang sinasaniban ng mga palsipikadong impormasyon.

Ang mga ulat ay karaniwang “propaganda versus propaganda”.

Walang anumang katotohanan, maliban sa palsipikadong konteksto at teksto.


----$$$--

Sa ngayon, kailangan ng mga kabataan—ay isang lider na may karisma—at  yumayakap sa isang ideolohiyang “ganap na maka-Pilipino”.

Walang ganyang lider, kaya wala tayong makikitang “dalisay” na makabayan.

Karaniwan ay palsipikado.

Kumbaga sa larong chess sa kanto at mga bilyaran, ‘ungguyan’ lamang ang mga labanan.




Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page