top of page

Mga korup na opisyal, magpapakabanal ng apat na araw, pagkatapos ay balik-nakawan na naman sa kaban ng bayan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | April 2, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


AFTER NG SEMANA SANTA, BALIK NA NAMAN SA PAGNANAKAW SA KABAN NG BAYAN ANG MGA KURAKOT SA PAMAHALAAN – Ngayon ay Huwebes Santo, at bukas ay Biyernes Santo, kasunod ang Sabado de Gloria at Linggo ng Pagkabuhay.


Sa apat na araw na ito, tila pansamantalang natitigil ang korapsyon sa gobyerno. Ngunit matapos ang Semana Santa, pagsapit ng Lunes, April 6, at muling pagbubukas ng mga tanggapan at transaksyon, tiyak na babalik na naman sa pangungurakot sa kaban ng bayan ang mga tiwaling opisyal. Period!


XXX


SABLAY ANG ATAKE NI CONG. PULONG NA KORUPSIYON DAW  ANG LEGACY NI PBBM, KASI RUMESBAK SI USEC. CASTRO SA PAGSASABING MAS MATINDI ANG KORUPSIYON SA PHARMALLY SA PANAHON NG DUTERTE ADMIN – Sablay ang pasaring ni Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM) na ang umano’y legacy ng Marcos administration ay talamak na korupsiyon sa gobyerno.


Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) spokesperson na si Usec. Claire Castro, kung korupsiyon ang pag-uusapan ay mas matindi umano ang Pharmally scam na kinasangkutan ni Michael Yang noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Dagdag pa niya, nangyari ang naturang anomalya sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD), na ama ni Cong. Pulong. Period!


XXX


DDS, TANTANAN NA ANG PAG-ATAKE KAY SEN. RISA HONTIVEROS KASI SA TOTOO LANG, WALA ITONG PANALO KAY VP SARA SA 2028 PRESIDENTIAL ELECTION – Dapat nang tantanan ng mga Duterte Diehard Supporters (DDS) ang pag-atake kay Sen. Risa Hontiveros, na itinuturing na posibleng makaharap ni VP Sara sa 2028 presidential election.


Sa totoo lang, kung pagbabasehan ang survey ratings, malinaw ang agwat—3% lamang si Hontiveros kumpara sa 43% ni VP Sara—kaya tila malabo siyang manalo laban dito. Boom!


XXX


NAKIKIPAGKOMPETENSIYA PALA ANG BFP SA DPWH SA PAGGAWA NG KATIWALIAN SA ‘PINAS – Matapos suspendihin ni (Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla si Bureau of Fire Protection (BFP) Director Jesus Fernando dahil sa isyu ng corruption, ay sinibak naman sa puwesto ang lahat ng Fire Safety Inspectors sa buong Metro Manila kasi sangkot din daw sila sa talamak na katiwalian sa BFP.


Hanep din naman itong mga opisyal sa BFP kasi tatahi-tahimik 'yun pala palihim na nakikipagkompetensiya sila sa mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa paggawa ng katiwalian. Pwe!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page