top of page
Search
BULGAR

Mga kasong ‘di na kailangang dumaan sa barangay

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | August 28, 2024



Magtanong kay Attorney ni Atty. Persida Acosta

Dear Chief Acosta,


Mayroon lamang akong katanungan tungkol sa barangay conciliation. Tuwing may away o ‘di pagkakasundo sa aming lugar, laging sa barangay muna dumadaan. May pagkakataon din na gustong kasuhan ng aking tiyahin ang aming kapitbahay at kailangan na naman diumano ito dumaan sa barangay. Tanong ko lang, mayroon bang pagkakataon na hindi na kailangang dumaan sa barangay ang isang reklamo? O lahat ng kaso ay kailangan talagang dumaan sa barangay conciliation? Salamat. — Sherlyn


 

Dear Sherlyn,


Sa ilalim ng Republic Act (R.A.) No. 7160 o Local Government Code of 1991, pinalawak ang saklaw at kapangyarihan ng Katarungang Pambarangay o Barangay Justice System na idinisenyo upang mabawasan ang bilang ng mga kaso sa hukuman. Ito rin ay may layuning pigilan ang pagbaba ng kalidad ng katarungan dulot ng walang piliang paghahain ng kaso sa mga hukuman. Upang makamit ang layuning ito, inaatasan ng R.A. No. 7160 ang mga partido na dumaan sa proseso ng barangay conciliation bago maghain ng reklamo sa hukuman.  


Ang mga barangay ang nasa pinakamahusay na posisyon upang mamagitan sa mga alitan ng mga pamilya o komunidad. Noong Hulyo 15, 1993, naglabas ang Korte Suprema ng Administrative Circular No. 14-93. Ito ay nag-uutos sa mga hukuman na tiyakin ang pagsunod sa kinakailangan na pagdaan sa Katarungang Pambarangay bilang kondisyon bago maghain ng reklamo sa hukuman para sa mga kasong sakop ng sistemang ito.


Para sa iyong katanungan, inilahad sa desisyon ng Korte Suprema sa kasong Ngo vs. Gabelo, et al., (G.R. No. 207707, August 24, 2020, Honorable Associate Justice Ramon Paul L. Hernando) ang mga kasong hindi sakop ng mandatory barangay conciliation. Binanggit dito ang listahan ng mga pagkakataon o kaso na hindi na kailangan pang dumaan sa barangay alinsunod sa Administrative Circular No. 14-93 na inisyu ng Korte Suprema.  Ito ay ang mga sumusunod:


All disputes are subject to barangay conciliation pursuant to the Revised Katarungang Pambarangay Law, and prior recourse thereto is a pre-condition before filing a complaint in court or any government offices, except in the following disputes:


  1. Where one party is the government, or any subdivision or instrumentality thereof;

  2. Where one party is a public officer or employee, and the dispute relates to the performance of his official functions;

  3. Where the dispute involves real properties located in different cities and municipalities, unless the parties thereto agree to submit their difference to amicable settlement by an appropriate Lupon;

  4. Any complaint by or against corporations, partnership or juridical entities, since only individuals shall be parties to Barangay conciliation proceedings either as complainants or respondents (Sec. 1, Rule VI, Katarungang Pambarangay Rules);

  5. Disputes involving parties who actually reside in barangays of different cities or municipalities, except where such barangay units adjoin each other and the parties thereto agree to submit their differences to amicable settlement by an appropriate Lupon;

  6. Offenses for which the law prescribes a maximum penalty of imprisonment exceeding one (1) year or a fine over five thousand pesos (P5,000.00);

  7. Offenses where there is no private offended party;

  8. Disputes where urgent legal action is necessary to prevent injustice from being committed or further continued, specifically the following:

    1. Criminal cases where accused is under police custody or detention (see Sec. 412 (b) (1), Revised Katarungang Pambarangay Law);

    2. Petitions for habeas corpus by a person illegally deprived of his rightful custody over another or a person illegally deprived or on acting in his behalf;

    3. Actions coupled with provisional remedies such as preliminary injunction, attachment, delivery of personal property and support during the pendency of the action; and

    4. Actions which may be barred by the Statute of Limitations.

  9. Any class of disputes which the President may determine in the interest of justice or upon the recommendation of the Secretary of Justice;

  10. Where the dispute arises from the Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL) (Sec. 46 & 47, R.A. 6657);

  11. Labor disputes or controversies arising from employer-employee relations (Montoya vs. Escayo, et al., 171 SCRA 442; Art. 226, Labor Code, as amended, which grants original and exclusive jurisdiction over conciliation and mediation of disputes, grievances or problems to certain offices of the Department of Labor and Employment);

  12. Actions to annul judgment upon a compromise which may be filed directly in court (See Sanchez vs. Tupaz, 158 SCRA 459).


Ibig sabihin, hindi lahat ng kaso ay kailangang dumaan sa barangay para sa conciliation. Ang mga nabanggit sa itaas ay ang mga pagkakataon kung saan hindi na kailangang dumaan ang alitan o kaso sa barangay. Kung ang sitwasyon ay isa sa mga nabanggit, maaaring dumiretso sa hukuman o ibang ahensya ng pamahalaan at hindi na kinakailangan pang dumaan sa barangay conciliation.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page