Akala pinatutsadahan si Sen. Bato sa post… DDS, GALIT KAY DINGDONG
- BULGAR

- 55m
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | May 19, 2026

Photo: Dingdong Dantes sa The Master Cutter - Instagram
Masaya ang 3rd General Assembly ng AKTORPH na ginanap sa Solaire Resort North.
Pinangunahan ni AKTORPH Chairman Dingdong Dantes ang oath-taking ng mga bagong miyembro at marami sila. Star-studded ang event at kabilang sa mga new members si Coco Martin.
Ipinost ni Coco ang photo nila ni Dingdong at may caption na: “Maraming salamat @aktorph.”
Pinasalamatan naman siya ni Dingdong, pati ang lahat ng dumating na kinabibilangan nina Marian Rivera, Iza Calzado, Charo Santos at marami pang iba.
And speaking of Dingdong, galit sa kanya ang mga DDS (Duterte Diehard Supporters) dahil feeling ng mga ito, si Sen. Bato dela Rosa ang pinatutungkulan niya sa Facebook (FB) post na: “Tuloy ang paghahanap ni Atoy sa nawawalang... (emoji ng rebulto). Matutugis na kaya kung sino ang salarin?”
Nagpo-promote lang naman si Dingdong ng The Master Cutter (TMC) at ang rebultong tinukoy niya ay si St. Anthony de Padua na sa story ng serye ay ninakaw sa simbahan.
Ang dating sa DDS, ang rebulto ay si Sen. Bato kaya nagalit nga sila kay Dingdong.
Isa sa mga comments ay “Hilig talagang makisawsaw ng mga artistang ito sa usapan.”
May nag-comment pa ng “Ginamit mo pa talaga ‘yung nangyari kay Sen. Bato para i-promote ‘yang flop na show mo,” at “‘Wag mo pong gawing katatawanan ‘yung nangyari kay Sen. Bato dahil puwedeng mangyari ‘yan kahit kanino.”
May tumawag pa kay Dingdong na laos, nakikisawsaw at pasikat. May nagtanong pa kung ano ang tinapos niya.
Isang fan ng aktor ang sumagot sa tanong kung may natapos ba siya. May college degree si Dingdong Dantes at nag-aral sa Ateneo de Manila University (ADMU) at San Beda University.
Ang The Master Cutter (TMC) ang tinutukoy niya sa kanyang post, binigyan lang ng double meaning ng mga DDS.
Niresbakan ng mga bashers…
WILL, TODO-HIRIT NA MAGING MULAT ANG MGA BOTANTE, GF NA SI MIKA, DDS NAMAN DAW
NAGPAHAYAG din ng kanyang saloobin sa mga nangyayari at isyu sa ating bansa si Will Ashley.
Idinaan niya sa X (dating Twitter) ang kanyang pahayag.
Aniya, “Nakakalungkot at nakakagalit ang mga nangyayari. Iisa ang ating layunin para sa ating bansa. Huling araw para maging rehistrado. Sabay-sabay po tayong pumili ng nararapat para sa ikabubuti at tunay na may malasakit sa atin at sa ating bansa. Sa mga mulat, hindi na muling pipikit. Magparehistro na, karapatan natin ‘to!”
Ang binanggit ni Will ay ang registration ng new voters at sa nakita naming videos at photos, maraming kabataan ang nagparehistro. Mararamdaman ang puwersa ng mga kabataan sa 2028 elections.
Samantala, may mga bashers si Will dahil sa post niyang ito. Kung hindi pa raw niya ginawa ang pelikulang Balota ay hindi siya magpaparehistro. May nagtanong pa kung legit voter siya.
Ang isa naman, si Mika Salamanca ang pinuntirya. DDS raw ang GF ng aktor kaya hindi kapani-paniwala ang kanyang panawagan.
DAHIL sa ipinakitang husay ni Kylie Padilla sa Task Force Firewall (TFF), ibinigay na sa kanya ng mga fans ang titulong ‘Action Queen’.
Sabi ng mga fans, may pruweba para ibigay sa kanya ang naturang titulo dahil sa husay na ipinapakita niya sa mga action projects.
Makikita uli ang husay sa action ni Kylie sa nabanggit na action series na may world premiere sa May 25. Trailer pa lang ang napapanood ay humanga na ang mga viewers at pati mga kapwa-artista ay bilib sa kanyang galing.
Sabi ni Iza Calzado, “You were made for this @kylienicolepadilla.”
Sinundan ito ng “Yes, the one and only,” comment ni Chynna Ortaleza.
“Oooooh yeeeeh!!! There she is!!!!” at “BAAAAABBBBBEE!” naman ang comment ni Andrea Torres.
May mga nagre-request sa GMA Network na ituluy-tuloy ang pagbibigay kay Kylie Padilla ng action projects para tuluy-tuloy din ang pagiging ‘Action Queen’ nito.





Comments