top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga karaniwang error sa civil records na maaaring itama

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 9
  • 2 min read

ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | April 9, 2026



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta



Dear Chief Acosta, 


Ano ang “clerical or typographical error” na maaaring itama ng city, municipal civil registrar, o consul general? – Xixi 





Dear Xixi, 


Ang sagot sa iyong katanungan ay maaaring matagpuan sa ating mga batas, partikular sa Republic Act (R.A.) No. 9048, na inamyendahan ng R.A. No. 10172. Hinggil sa nabanggit, nakasaad sa Seksyon 2 (3) ng nasabing batas ang sumusunod:

 

“SEC. 2. Definition of Terms. – As used in this Act, the following terms shall mean: 


(3) ‘Clerical or typographical error’ refers to a mistake committed in the performance of clerical work in writing, copying, transcribing or typing an entry in the civil register that is harmless and innocuous, such as misspelled name or misspelled place of birth, mistake in the entry of day and month in the date of birth or the sex of the person or the like, which is visible to the eyes or obvious to the understanding, and can be corrected or changed only by reference to other existing record or records: Provided, however, That no correction must involve the change of nationality, age, or status of the petitioner.” 


Ayon sa nasabing batas, ang “clerical or typographical error” ay tumutukoy sa pagkakamaling nagawa sa pagsasagawa ng gawaing klerikal sa pagsusulat, pagkopya, pagsasalin (transcribe), o pagta-type ng isang entry sa civil register na hindi nakapipinsala at walang masamang epekto sa taong tinutukoy, gaya ng maling baybay ng pangalan o lugar ng kapanganakan, pagkakamali sa paglalagay ng araw at buwan ng petsa ng kapanganakan, o maling paglalagay ng kasarian ng isang tao, at iba pang katulad nito, na madaling makita ng mata o malinaw na mauunawaan, at maaaring maitama o mabago lamang sa pamamagitan ng pagsangguni sa iba pang umiiral na rekord.  Kaugnay nito, hindi saklaw ng batas ang pagbabago ng nasyonalidad, edad, o katayuan ng isang tao dahil ang mga ito ay makakaapekto sa mga karapatan at estado ng isang indibidwal.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page