Mga kabit ng pulitiko, wala ring ligtas sa anti-political dynasty bill
- BULGAR

- 1 hour ago
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | March 9, 2026

NA-BASH SI VP SARA SA SINABI NIYANG MADALING MAGPADALA NG EROPLANO PARA SA OFW KASI SANGKATUTAK NA MISSILES ANG NAGLILIPARAN SA MIDDLE EAST – Sablay ang pagpapa-interview ni Vice President Sara Duterte sa dalawang Duterte Diehard Supporters (DDS) vloggers dahil imbes na humanga ang netizens sa kanyang sinabi, binash siya sa social media.
Sa interview, pinuna ni VP Sara ang kakulangan ng aksyon ng Marcos administration na magpadala ng eroplano para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na naipit ng digmaan sa Middle East. Ayon sa bise presidente, madali lamang daw ito gawin dahil nuong alkalde pa siya, pinadalhan niya ng eroplano ang mga Davaeno na na-stranded sa Manila sa panahon ng COVID-19 pandemic, kaya nakauwi sila sa Davao City.
Dahil sa pahayag na ito, binash siya ng netizens dahil ikinumpara niya ang COVID-19 sa digmaan, at ang domestic flight mula Davao City papuntang Manila ay ikinukumpara sa international flight mula Pilipinas papuntang Middle East, kung saan kasalukuyang nagliliparan ang maraming missiles. Boom!
XXX
CONG. GARBIN, NAMBATIKOS NG JUETENG, KAILAN KAYA NIYA BABATIKUSIN KA-PARTYLIST NIYANG SI ZALDY CO NA NANG-SCAM NG BILYON-BILYON SA FLOOD CONTROL PROJECTS? – Binatikos ni Ako Bicol partylist Rep. Alfredo Garin ang muling pag-usbong ng jueteng sa Albay mula nang maging gobernador muli si Gov. Noel Rosal.
Kung totoo ngang may jueteng sa Albay, nararapat lamang na batikusin ito ni Cong. Garin. Ngunit hindi lang dapat ang pagsang-ayon ni Gov. Rosal ang pagtutukan ng kongresista; dapat ding tutukan ang mga sangkot sa mga scam sa flood control projects sa bansa.
Kaya't tanong: Kailan kaya babatikusin ni Cong. Garin ang kanyang ka-partylist na si dating Ako Bicol partylist Rep. Zaldy Co, na nasangkot sa bilyon-bilyong pisong flood control scam? Abangan!
XXX
KAPAG BATAS NA ANG ANTI-POLITICAL DYNASTY, WAG NANG MANGAHAS KUMANDIDATO – Nais ni Sen. Sherwin Gatchalian na isama sa anti-political dynasty bill ang mga kabit o “other woman” ng mga babaerong pulitiko. Kaya sakaling maging ganap na batas ang panukala, huwag nang mangahas na kumandidato ang mga kabit, dahil kapag diniskwalipika sila ng Comelec, malalaman na ang dahilan ng kanilang diskwalipikasyon ay dahil sila ay kabit. Boom!
XXX
KAPAG HINDI NAG-RESIGN SI DOH SEC. HERBOSA, MAS LALO SIYANG MATATADTAD NG KASO SA OMBUDSMAN – Sinampahan uli ng concerned DOH employees ng kasong graft nitong nakalipas na March 7, 2026 sa Ombudsman si DOH Sec. Ted Herbosa kaugnay sa maanomalyang pagbili ng mobile primary care facilities, at nauna rito ay kinasuhan na rin siya ng mga DOH employees nuong Aug. 11, 2025 dahil sa maanomalya rin na DOH unliquidated funds transfer sa UNICEF.
Dapat mag-resign na sa puwesto si Sec. Herbosa kasi kung hindi siya magri-resign ay malamang sa dami ng anomalya sa DOH ay matadtad siya ng kaso sa Ombudsman. Period!




Comments