top of page
BIDA - CUP OF JOE, IPINABOBOYKOT SA DAVAO, BABATUHIN NG DURIAN NG MGA DDS-FB Cup of Joe.jp

Mga kaaway ng Republika ng Pilipinas, naghihintay lang ng pagkakataon para maghasik ng kaguluhan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 8 hours ago
  • 2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | May 18, 2026



Bistado ni Ka Ambo


Hina-hunting na si Sen.Bato.

Ito ay matapos siyang umalis sa kandili ng Senado.


-----$$$--


Magkakasalungat ang konteksto ng mga ulat mula sa gobyerno  kaugnay sa sitwasyon ni Sen. Bato.

Nilinaw ni PBBM at PNP na hindi aarestuhin si dela Rosa dahil wala silang hawak na arrest warrant.


----$$$--


Pero, inihayag naman ng NBI at DOJ na puwedeng maaresto si Dela Rosa.

Inaamin ng lahat na ang ICC warrant ang batayan ng pag-aresto.


----$$$--


Walang naglilinaw kung bakit si ex-Senator Antonio Trillanes ang may  hawak ng ICC Warrant at hindi ang mga otoridad ng gobyerno.

Samantala, inaamin din ng lahat—na dapat antayin ang final decision ng Korte Suprema na siyang maglilinaw ng mga teknikalidad.


----$$$--


Bigo rin ang mainstream media na maibigay ang tumpak at eksaktong  larawan o sitwasyon.

Dahil d’yan, magkakaiba ang “konteksto” sa pagbabalita.


-----$$$--


Ang mga balita na nakakarating sa publiko ay nakahapay sa kung sino o sinu-sino ang ehektutibo ng establisimyento – imbes kung alin ang totoo.

Ibig sabihin, walang “linaw” ang direksiyon ng pagbabalita.


----$$$--

Ngayon, nakatakda nang buksan ang Impeachment Court sa Senado.

Ito ay kung hindi magkakaroon ng gulo, o surpresang pagpapalit ng liderato.


-----$$$--

Dapat ay pumagitna ang Malacañang.

Dahil kapag matibay ang disposisyon ng Ehekutibo, maiiwasan ang  salungatan, sigalot at kaguluhan.


-----$$$--

Sa ngayon, deadlock ang Ehekutibo at Lehislatura.

Napakahalaga ang mabilis at malinaw na desisyon at disposisyon ng Korte Suprema.


----$$$--


Kapag nagtagal ang masalimuot na sitwasyon, maaaring samantalahin ito ng mga kaaway ng Republika ng Pilipinas.

Sila mismo ang maghahasik at magbubunsod ng kaguluhan ng lipunan.




Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page