Mga cong., nag-closed-door meeting bago inaprub ang P7.2T budget, ‘di kaya may ‘insertions’ na naman???

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | September 16, 2026

DAHIL SA KABULASTUGANG GINAWA NANG MASANGKOT SA KICKBACK SA FLOOD CONTROL PROJECTS, SA CITY JAIL BUMAGSAK SI MARTIN ROMUALDEZ — Matapos ikulong sa city jail kaugnay sa kasong plunder dahil sa pagkakasangkot nito sa kickback sa flood control projects, kumalat na sa social media ang mugshot ni Leyte 1st Dist. Rep., former Speaker Martin Romualdez.
Patunay iyan na mali ang akala ni Cong. Romualdez na nang maging presidente ang pinsan niyang si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ay magiging untouchable na siya sa Marcos administration, kasi nang gumawa siya ng kabulastugan, city jail ang bagsak niya, boom!
XXX
SINABI NI HARRY ROQUE NA HINDI PA DENIED ANG ASYLUM APPLICATION NIYA. TIYAK BASH NA NAMAN ANG AABUTIN NI SEC. REMULLA SA SOCIAL MEDIA — Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla na tinabla raw ng Austria ang asylum application ni former presidential spokesman Harry Roque at dahil diyan ay hinihintay na lang daw niya ang red notice ng Interpol para magtungo siya sa naturang bansa upang dakpin ito (Roque) sa kinahaharap na kasong no bail na qualified trafficking in persons na may kaugnayan sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Pilipinas.
Naku, eh, nag-post na si Harry Roque at sinabi niyang fake news ang inanunsyo ni Sec. Jonvic na na-deny ang kanyang asylum application. Asahan na ng DILG secretary na puputaktihin na naman siya ng pamba-bash sa social media, boom!
XXX
HINDI KAYA NAGKAROON NA NAMAN NG 'PORK BARREL’ INSERTIONS KASI BAGO INAPRUB NG HOUSE PANEL ANG P7.2T, NAGKAROON MUNA SILA NG CLOSED-DOOR MEETING? — Hindi kaya nagkaroon na naman ng "pork barrel" insertions ang mga kongresista sa P7.2 trillion national budget para sa year 2027?
Bago kasi inaprubahan ng House Committee on Appropriations ang national budget na ito, nagkaroon muna sila ng closed-door meeting.
Sa totoo lang kasi, nagkakaroon ng duda ang publiko kung nagkakaroon ng closed-door meeting ang mga kongresista patungkol sa pagbalangkas sa national budget, period!
XXX
MAY MGA NAGBARILAN AT MAY MGA NAMATAY KAYA, FAKE NEWS ANG SINABI NI COMELEC CHAIRMAN GARCIA NA MAPAYAPA ANG NAGANAP NA BARMM ELECTION —- Malinaw na fake news ang sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na mapayapa raw na natapos ang halalan sa Bangsamoro Autonomous in Region Muslim Mindanao (BARMM).
Dami kasing nag-viral na video sa social media na may mga nagbarilan at may mga napatay sa naganap na halalan sa BARMM election, tapos sasabihin ng Comelec na mapayapa ang eleksyon sa rehiyong ito, pwe!





Comments