top of page
BIDA - SARAH, NAMAMAGA NA ANG MUKHA, OBYUS NA BUNTIS_FB Sarah Geronimo.jpeg

Mga bawal sa ilalim ng Chemical Weapons Law

Writer: BULGAR
BULGAR
11 hours ago
2 min read

ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | November 6, 2026



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Dahil po sa makabagong teknolohiya ay nakadidiskubre ang ibang tao ng mga panibagong armas tulad ng tinatawag na chemical weapons. Ito po ay nakakatakot dahil wala akong masyadong kaalaman tungkol dito. Kung kaya, nais ko po sanang malaman kung may batas ba tayo na ipinagbabawal ang ibang gawain na may kinalaman sa chemical weapons? Salamat po. — Jeffrey Angeles





Dear Jeffrey Angeles,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 6 ng Batas Republika No. 12174, o kilala rin sa katagang “Chemical Weapons Prohibition Act,” kung saan nakasaad na mahigpit na ipinagbabawal ang mga sumusunod:


“Section 6. Prohibitions. - The following are prohibited under this Act:

  1. To develop, produce, acquire, stockpile, retain, use, or transfer domestically or by cross-border movement, any chemical weapon;

  2. To finance the development, production, acquisition, stockpiling, retention, use, or transfer of chemical weapons;

  3. To possess or transfer domestically or by cross-border movement, directly or indirectly, precursors and scheduled chemicals without the necessary license or permit;

  4. To engage in any military preparation with the use of a chemical weapon;

  5. To engage in any military preparation with the use of a chemical weapon;

  6. To assist, encourage, or induce a person to engage in any activity that is prohibited for a State Party under the Convention;

  7. To use a riot control agent as a method of warfare;

  8. To export and import Schedule 1 chemicals to or from a State not a Party to the Convention, including transit through such State; and

  9. To engage in any other activity prohibited for State Party under the Convention. xxx”


Batay sa probisyon ng naturang batas, mahigpit na ipinagbabawal ang mga sumusunod na gawain kaugnay ng anumang chemical weapons: (a) bumuo, gumawa, kumuha, mag-imbak, magpanatili, gumamit, o maglipat sa loob ng bansa o sa pamamagitan ng kilusang tumatawid sa hangganan, ng anumang chemical weapons; (b) pondohan ang pagbuo, produksyon, pagkuha, pag-iimbak, pagpapanatili ng paggamit, o paglilipat ng mga chemical weapons; at (c) pagmamay-ari o paglilipat sa loob ng bansa o sa pamamagitan ng paglipat sa ibang bansa, direkta o hindi direkta, ng mga pasimula at naka-iskedyul na kemikal nang walang kinakailangang lisensya o permit. 


Ngunit mahalagang pansinin na ayon sa nasabing batas, hindi kabilang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga pinagbabawalang gumamit ng mga sandatang hindi nakamamatay o nakamamatay maliban sa mga ipinagbabawal sa batas, sa pagsasagawa ng mga operasyong pangkombat para sa pagsugpo ng pag-aalsa at iba pang seryosong banta sa pambansang seguridad kung saan ang paggamit ng mga naturang sandatang hindi nakamamatay o nakamamatay ay itinuturing na pinakaangkop.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyong iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.





Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page