top of page
BIDA - SARAH, NAMAMAGA NA ANG MUKHA, OBYUS NA BUNTIS_FB Sarah Geronimo.jpeg

‘Di na talaga maitago, Matteo… SARAH, NAMAMAGA NA ANG MUKHA, OBYUS NA BUNTIS

Writer: BULGAR
BULGAR
4 hours ago
3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | November 6, 2026



BIDA - SARAH, NAMAMAGA NA ANG MUKHA, OBYUS NA BUNTIS_FB Sarah Geronimo

Photo: FB Sarah Geronimo



Hulang paghahanda sa panganganak ang pagpapaiksi ng buhok ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo, na ginupitan ng Zero 1 Story Salon sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig. 


Ang short hairstyle ng singer-actress ang isa sa mga ginawang sign ng mga fans para lalong ipagdiinan na buntis talaga si Mrs. Guidicelli.


Sa bagong photo ni Sarah, makikita ang pagbabago ng kanyang mukha. Naging bilog ang mukha niya at tingin ng mga fans, puffy face na ito. May nag-comment ng ‘Edematous fingers and puffy face na si Mommah Sarah’ and we had to Google para malaman kung ano ang ibig sabihin ng “edematous”.


Ayun, nalaman namin na ang meaning pala ay “swollen due to an abnormal buildup of excess fluid in the body’s tissues”. Nangyayari ito sa mga babaeng buntis, kaya lalong naniwala ang mga fans na preggy si Sarah.


Sa mga comments, parang hindi na pine-pressure ng mga fans na kumpirmahin nina Sarah at Matteo na pregnant ang singer. Hihintayin na lang daw nila na magkusa ang couple na i-announce ang magandang balita.


Mababasa rin ang mga comments na, “Namamaga mukha ni Mommy Sarah,” “Oks lang, ganyan talaga ‘pag….,” “Finally, nagpakita na rin. (We) miss you,” “So happy for you, Sarah and Matteo,” “Prep na for giving birth and new chapter on their new baby,” “Preggy blouse,” “Mataba ata si Sarah now,” “Halata na sa face na buntis na nga si Sarah... I am happy for her and Matteo,” “Bagay ang hair kay Sarah, bumabata. Maghintay na lang kami sa confirmation,” “OMG! confirmed. So happy for you guys. The ring tells it all,” at “Ang gandang buntis.”





After banatan ni Xian…

ALDEN, TODO-BAKASYON SA AMANPULO



NATUTUWA ang mga fans ni Alden Richards dahil sa bago niyang post sa Instagram (IG), hindi siya naglako ng kanyang mga endorsements. Ang biruan nila, wala na raw itong ginawa kundi magtinda ng mga produkto na kanyang ine-endorse, na totoo naman.


Pero noong isang araw, nagulat ang mga fans nang makita sa IG ang photos ng pagbabakasyon ni Alden sa Amanpulo. Ramdam ang saya nila sa mga posts ng aktor dahil nagkaroon daw ito ng time na magpahinga.


Purely bakasyon daw ang ginawa ni Alden dahil wala siyang show, walang meet and greet, walang endorsement, nag-enjoy lang ang aktor pagkatapos ng ilang araw na panggugulo sa kanya ni Xian Gaza.


Sa post ni Alden, makikitang nag-scuba diving siya na ayon sa mga fans, 2013 pa niya huling ginawa at may mga kasama ngayon. Marami ang nagulat dahil hindi nila alam na marunong ito at ang payo nga sa kanya ng mga fans, dalas-dalasan niya ang mga ganitong bakasyon na nakakapag-relax siya.


And speaking of Alden, matutuloy na sa December 19, 2026 ang FunRide PH 2026. The fun ride is an exclusive partnership ng company ni Alden na Myriad Entertainment at Department of Tourism (DOT). 


Ang ganda ng vision ng event na: “Bringing an incredible event that celebrates the breathtaking beauty of Manila while promoting an active and healthy lifestyle.”

Isa pa, nagkapirmahan na ng partnership contract ang Myriad Entertainment at DOT.


Pahayag nila, “Signing ceremony represents a vital step forward in advancing sustainable mobility and innovative tourism experiences throughout the country.”





MAY update ang aktor na si John Arcilla doon sa isyu ng pet crematorium na nagtapon ng mga patay na aso at pusa.


Pahayag niya, “POSIBLENG 7,000-10,000 na bangkay ng PETS ang NATAPON NA sa mga NATAGPUANG DUMPSITES ng mga pinaghihinalaang PET CREMATORIUMS kung isasama ang 10-15 pets na itinatapon araw-araw sa loob ng 2 taon, ayon sa LUNA & FURRY SIBLINGS. 


“PAANO NAMIN MASISIGURO NA ‘DI KASALI sa KALAKARAN NA ‘TO ang mga pinagkatiwalaan naming mga Pet Crematorium? Sana ay MAIBIGAY SA ‘MIN ang measures at requirement na ITINALAGA NG MGA KINAUUKULAN, para MA-QUALIFY na LEGITIMATE ang FACILITIES and OPERATING SYSTEM ng ISANG PET CREMATORIUM. Bigyan din kami ng kapanatagan kung may regular na MONITORING at ASSESSMENT NA GINAGAWA NG NAKATALAGANG AWTORIDAD tungkol dito, para MALAMAN NATIN kung ang ibang PET CREMATORIUM na aming pinagkakatiwalaan ay MALINIS at MAAYOS ANG SISTEMA AT OPERASYON.”


Muli, ang daming nag-agree sa panawagang ito ni John, lalo na ang fur parents na pamilya ang turing sa mga alagang fur babies. Marami ang nag-agree na idemanda hanggang makulong ang owner ng pet crematorium na nagsamantala sa mga alagang aso’t pusa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page