Mga anak, gustong ipasok sa sosyal na school… MARIEL, NAHIYA NA WALANG AMBAG KAY ROBIN, NAGTINDA
- BULGAR
- May 7, 2021
- 2 min read
NG BAKA
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | May 07, 2021

Sa ilang taong hinihikayat ng lolo at lola niya si Mariel Rodriguez na ipagpatuloy ang negosyong pagbebenta ng imported beef ay ngayon lang nito napag-isipan na tanggapin.
Ang katwiran ng asawa ni Robin Padilla, “Hesitant ako all these years na mag-business ako, until now, nag-decide ako. And what gave me that decision? I’ve always wanted to do it tapos dream talaga ng lolo at lola ko na ipagpatuloy ko ‘yung business nila. And ‘yung next thing kasi, ‘yung school kung saan ko gusto i-enroll si Isabella eventually is the same school kung saan nag-aaral ang mga anak ng ate ko, ang mahal ng tuition!
“So, nahihiya ako kay Robin. Nahiya ako sa asawa ko na, ‘O, ito ‘yung tuition fee.’ Eh, ito talaga ang gusto ko na doon sila mag-aral kasi meron akong dreams for them. Gusto ko, may maiambag ako. Gusto ko, meron akong maise-share, para walang kahit sinong tao ang makakapagkuwestiyon kung bakit sa ganu’ng school pumapasok ang mga anak ko, lalung-lalo na ang mga kids ko na makikita nila na 'Si nanay at si tatay work so hard para makapasok kami sa mga schools na ganito.' So, mag-aaral sila nang mabuti, hahaha!
"Lahat naman ng magulang, gustong mag-aral nang mabuti ang mga anak kasi ito lang naman ang maipapamana natin.”
Pero siyempre, bago naman ito sinimulan ni Mariel ay may inspirasyon siya.
“How this started? I’ve been watching so many episodes of Unlad Kaagapay sa Hanapbuhay sa NET 25 because Robin is hosting it. So, ang daming inspiring stories who really inspired me to start my own business, bilang nagwo-work from home ako, housewife ako, stay at home mom, pero at the same time, gusto kong kumikita ako. Gusto ko, nakakapag-earn ako ng sarili kong akin.”
Ang pagiging masipag ng grandpa at grandma niya ang isa sa mga inspirasyon din niya, “I grew up with my lolo and lola, every single day ‘yun and up to this day, nagtatrabaho sila. Hindi sila ‘yung parang tamad. So, kaming dalawa ng sister ko (Kaye Garcia-manugang ni ABS-CBN consultant Freddie M. Garcia), very goal-oriented kami. Talagang gusto naming mayroon kaming ginagawa.
Mahirap daw sa simula ang pagtatayo ng negosyo dahil hindi mo alam kung magki-click ito o hindi.
Pero ang bilin kay Mariel ng lolo niya, “Sabi sa akin ng lolo ko, kapag umulit daw ang customer, ibig sabihin, okay na ako. Kaya sobra po akong tuwang-tuwa kasi nag-uulit po lahat ng customers ko.”
Timplado na ang mga steaks na ibinebenta ni Mariel. Recipe raw 'yun ng lolo niya pero improved version lang dahil may in-add siya.
Ang bestseller daw ay ang Premium Australian Rib-eye grass-fed Halal steaks at Brazilian Picanha aged and seasoned.
Mapapanood ang kumpletong vlog sa YouTube channel ni Mariel na may episode title na May pera sa Baka, negosyo ni Cooking Ina.





dapat si gaga siling labuyo ang mahiya sa iyo Mariel.