Meet and greet nina NBA Legends Kidd at Parker sa NBA House Showcase dinumog
- BULGAR

- 4 days ago
- 1 min read
by Elyssa Nichole @Sports News | August 31, 2026

Photo: NBA Philippines
Nakihalubilo sa court sina NBA legends Jason Kidd at Tony Parker kasama ang Filipino celebrities at personalities bilang parte ng inaugural NBA House Celebrity Showcase na ginanap sa SPACE, One Ayala sa Makati City noong Sabado ng hapon.
Isinagawa ang 5-on-5 exhibition game sa two-day NBA House Philippines na nagsimula noong Agosto 29 at nagtapos kahapon, nagkaroon ito ng mga basketball at fan activities.
Nagwagi ang team Parker laban sa koponan ni Kidd, 97-76 matapos ang apat na quarters na aksyon. “The love of basketball, as much as we love it, you could see the Filipinos love the game of basketball and can play the game at a very high level so we’re very excited to be here,” saad ni Kidd.
Nakasama ng dalawang NBA champions at Naismith Basketball Hall of Famers ay sina Trina Guytingco, Khalil Ramos, Margaux Nonato, RK Bagatsing at Ralph de Leon.
Kasama sa aktibidades ang basketball challenges, fan engagement zones, NBA memorabilia at merchandise displays at pati ang pagdalo rin ng NBA at WNBA legends.
Sumali rin si WNBA great at Naismith Basketball Hall of Famer Lauren Jackson sa meet-and-greet sessions sa mga fans, kasama sina Kidd at piling local artists.
Samantala, kahit maulan dumating pa rin ang mga Filipinos fans sa opening ng NBA House ng alas-10 ng umaga at at nanatili hanaggang magsimula ang celebrity exhibition game na minanduhan nina Kidd at Parker.





Comments