Rest of the World ibinaon Team Asia, Filler matalas

ni Eddie M. Paez Jr. @Sports | October 18, 2026

Photo: Reyes Cup 2026
Lalong nakalapit ang Team Rest of the World sa pinakaunang kampeonato nang maitakas ng mga bisita ang pambungad na Team Match, 5-3, sa pangatlong araw ng Reyes Cup sa Makati Coliseum. Lalong nakadistansiya ang powerhouse ROW kontra sa mga Asyano, 7-3.
Sa pangunguna ni Joshua Filler ng Germany, matalas na 4-1 ang sargong pinakawalan ng Team ROW sa pangalawang araw ng bakbakang isinasaayos ng Matchroom at nasa pangatlong edisyon na ngayong taon.
Sinintensiyahan ng Aleman si Robbie Capito (Hongkong) sa pangalawang match ng gabi, 5-3, bago ito nakipagtambalan kay Francisco Sanchez Ruiz (Spain) para naman sa 5-4 na panalo kontra kina Albert Januarta (Indonesia) at kay Capito uli.
Nangibabaw din ang ROW sa pangatlong banggaan ng Day na tinampukan nila Fedor Gorst (Russia) -Aleksa Pecelj (Serbia) at Duong Quoc Hoang (Vietnam) -Albert James Manas, 5-3,
Tanging si world 9-ball king at Billiards Congress Hall of Famer Carlo Biado lang ang pumuntos para sa mga Asyano nang maungusan ni "Black Tiger" ang bituin mula sa Estados Unidos na si Shane Van Boening sa iskor na 5-3.





Comments