top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Babalik porma si Eala sa WTA 500 Ningbo Open 

Writer: BULGAR
BULGAR
3 days ago
2 min read

by Gerard Arce @Sports News | October 17, 2026



 Babalik porma si Eala sa WTA 500 Ningbo Open 

Photo: Dumating na sa Ningbo, Zhejiang, China si Alex Eala para sa WTA 500 Ningbo Open. Ngayong araw ang qualifying round, habang sa draw din ngayon malalaman ang makakatapat ni Alex sa first-round. (pinoytennisupdates)



Susubok na makabangon mula sa mga  pagkakalagpak si Filipina tennis star Alexandra “Alex” Eala sa WTA 500 Ningbo International Tennis Open sa Yinzhou Tennis Center sa Ningbo, China sa kanyang Asian Swing.


Kasunod ng kabiguang resulta sa WTA 500 Singapore Open, 20th Asian Games at WTA 1000 Wuhan Open, kung saan tinatalo ng mga low-rankings player, determinado ang World No. 19 na maputol ang pagkakadapa sa nagdaang torneo.


Hinahanap ng fans ang mainit na larong ipinakita ng 21-anyos na lefty sa WTA 500 Mubadala DC Citi Open, kung saan siya nagkampeon, at dinala ang streak sa National Bank Open sa Canada at US International Open.


Sa Ningbo Open, nariyan si defending champ World No.1 Elena Rybakina ng Kazakhstan, Jessica Pegula ng US, Elina Svitolina ng Ukraine, Iga Swiatek ng Poland, Diana Schnaider, Jasmine Paolini ng Italy, Elise Martens ng Belgium, Marta Kostyuk ng Ukraine, Sorana Cirstea ng Romania, at kaibigan ni Eala na si Iva Jovic ng US.


Samantala, hindi lalaro si Eala sa ikalawang edisyon ng WTA 125 Philippine Open sa  Enero sa Rizal Memorial Sports Complex dulot ng mas mataas na WTA rankings mula 11-20 players, dahil kasabay nito ang Grand Slam tournament 2027 Australian Open na lalahukan niya. 


Pero tuloy pa rin ang all-star exhibition ni Eala sa Disyembre katapat ang karibal sa Southeast Asia na si Janice Tjen ng Indonesia na gaganapin sa Philippine Arena sa Bulacan.  May ikalawang torneo siya sa 'Pinas na WTA 250 sa Nobyembre 2027.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page