MAYOR ISKO, INULAN NG MURA AT ISINUSUKA NG LGBT COMMUNITY
- BULGAR
- Nov 6, 2021
- 1 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 6, 2021

Speaking of Sen. Manny Pacquiao, hindi na lang siya ang nag-iisang presidential candidate na isinusuka, minumura at binantaang iboboykot ng LGBT community kundi dalawa na sila ni Manila Mayor Isko Moreno.
Nag-trending kahapon ang naging pahayag ni Mayor Isko sa isang interview na: “I have no prejudice with people. As long as you are an asset to the state, you have talents that can be utilized in governance through public service, you are welcome.”
Ayaw paniwalaan ng mga miyembro ng LGBT ang pahayag na ito ni Mayor Isko, at sa halip, inilabas at ipinakalat nila sa Twitter ang ilang larawan na kuha sa naganap na protest rally nila nu'ng June 2020 para tutulan ang Anti-Terror Bill, kung saan 20 bading umano ang ipinaaresto sa Maynila at ikinulong dahil sa paglabag sa safety protocols.
Sa mga caption ng mga larawan, galit na galit at gustong manakit ng mga LGBTQIA members at kung nakakamatay lang siguro ang mura nila, eh, pinaglalamayan na ngayon ang alkalde ng Maynila.
"UL*L P*TA TANDA MO PA BA 'TOH?????? SA MAYNILA 'YAN, ISKO!"
"NEVER FORGET. T*NGINA MO ISKO"
"Hypocrisy of Isko Moreno."
"AFTER WHAT HAPPENED THAT TIME, NEVER NA AKO NAMANGHA KAY ISKO."
"TRAPO TALAGA P*T*NG*NA"
Awww!
Basag na, durog na durog pa si Yorme!





Comments